Birthday surprise
HEIRA'S POV
"Hala, bakit basang-basa ka?"
Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung paano ako... kami nakabalik ng university ng gano'n ka bilis. Nilalamig na ako dahil kanina pa ako basang-basa dahil sa pagligo namin sa ulan kanina ni Kayden. Binalot niya lang ako ng tatlong tuwalya habang nasa byahe kami.
Habang nasa byahe kami kanina ay walang nagsasalita sa 'ming dalawa. Nakatingin lang ako sa bintana at pinapanood ang bawat patak ng ulan, bawat hampas ng hangin, ang bawat pagkulog at pagkidlat. Hindi ko siya kayang tignan, naiilang pa rin ako dahil sa nangyari kanina.
Napasulyap ako ng misan sa kaniya, kita ko ang pag-angat ng labi niya habang hinahaplos pa ang ibabang labi niya gamit ang hinlalaki niya. Nakapatong ang siko niya sa may pintuan at panay ang pagngisi niya.
Hindi ko alam kung paano niya nagawa pero isang kamay lang ang gamit niya habang nagmamaneho siya, kalawete pa at parang walang kahirap-hirap na pinaparakbo ang sasakyan.
Parang hindi man lang nahihiya ang gago dahil sa pinaikot-ikot niya ako sa ulan, ako namang tanga parang lasing na sumayaw kasama siya. Ngumiwi naman ako, kapag bukas nagkalagnat ako siya ang sisisihin ko.
Sa dami ng lugar na pwedeng pagsayawan sa ilalim pa talaga ng malakas na ulan. Pero kahit na gano'n, isa itong araw na 'to ang pinaka-special na raw sa buong buhay ko. Hindi dahil birthday ko ngayon kundi dahil ngayon ko lang nagawa ang bagay na hindi ko nagagawa dati pa.
Hindi ko nagagawang maligo sa ulan noong bata ako dahil ayaw ni mommy. Nung nasa junior high school naman ako, ayaw ko ring sumuong sa malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat dahil palagi kong naririnig ang mga hindi kilalang mga boses, isang pikit lang ay manunubalik na ang lahat sa 'kin.
Takot lang ang nararamdaman ko kapag nasa ilalim ng ulan kaya hindi ko na sinubukan. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto ni Kayden.
Siguro nararamdaman ko na ligtas ako kapag kasama ko siya... siguro nararamdaman ko na hindi ko maririnig ang mga nakakatakot na boses kung ang kaniya ang maririnig ko.
Ang tagal ng byahe namin papunta, nagrereklamo pa ako sa kaniya kung bakit ba parang lahat ng sasakyan gusto niyang banggain kahit maluwang naman ang daan, hindi naman din gano'n kalakas ang ulan kanina kaya gano'n ang naisip ko.
Nakakatakot siyang magalit dahil kanina, habang tinitignan ko siya habang hinihila niya ako papunta sa kotse niya hanggang sa magbyahe na kami, ang dilim ng mukha niya at parang nag-aapoy sa galit ang mga mata niya.
Nakaputi siyang long sleeves at bukas ang ilan niyang butones, nakatupi 'yon hanggang sa siko niya, nagtiim ang panga niya habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Kinakausap ko naman siya kung anong problema pero hindi siya sumasagot.
Pero nawala ang lahat ng takot ko sa kaniya ng idala niya ako sa lugar na 'yon, sa lugar kung saan kami lang dalawa at tanaw namin ang buong lungsod. Lugar kung saan kami sumayaw sa ilalim ng ulan.
Nang makabalik na kami. Hindi pa nga nakahinto ang sasakyan sa parking lot ay bumaba na ako. 'Yun ang una kong pagsakaya sa kotse niya, 'yon din ang unang pagtalon ko sa kotse niya. At sa unang pagkakataon, hindi niya ako sinungitan dahil sa ginawa ko.
Sinubukan niya akong habulin pero hindi niya nagawa. Gumawa na lang ako ng paraan para makapasok sa loob ng B.A.U. ng hindi siya kasabay. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko siya tatratuhin.
Gaya na lang ba ng dati? 'Yung tipong palagi kaming magkaaway dahil gano'n ang nangyari kina Trina. Walang nagbago sa kanila. O 'yung dati na... na parang magkaibigan kami?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
