Chapter 173

8 2 0
                                        

Save

HEIRA'S POV

Naninigas ang mga paa ko at parang tinatanggal ang mga kalamnan ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang sakit ng paa ko. Pamumulikat. Iyon ang tamang salita. Hinawakan ko ang paa ko at sinubukang himasin para maibsan ang sakit pero hindi 'yong nangyari. 'Wag ngayon.

Nakailang lunok na rin ako ng tubig. Maalat, masakit sa lalamunan. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala akong makitang mga tao kahit sa itaas ng dagat, imposibleng makita at mailigtas nila ako gayong narito ako sa ilalim at kumakawag-kawag. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na unti-unting hilahin ng tubig.

Nauubusan na 'ko ng hangin. Kung wala mang makasagip sa 'kin ngayon, kahit 'yong bangkay ko na lang ang makita nila. Ayaw kong maiwan ang katawan ko rito sa dagat na 'to sa habang panahon. Ayaw kong pagpiyestahan ng mga isdang pakalat-kalat dito.

Hindi naman dapat ako nag-iisip ng ganito dahil sigurado akong may sasagip sa 'kin. Nandiyan si Kio, sigurado akong hahanapin at hahanapin ako no'n. Ang mga hudlong at mga babaita na walang ginawa kundi ang inisin ako sa buong panahon kong nasa Twenty-third Section. Alam kong nandiyan sila, maghihintay ako hanggang sa kaya ko.

Nakapikit na lang ako at hindi na gumagalaw. Tanging isip ko na lang ngayon ang gumagana. Wala ng iba. Itong puso ko, parang hindi na nga pumipintig. Tanging tubig ang nararamdaman ko, wala na akong naririnig. Walang nakikita, siguro nga, ito na ang huli.

Kung ito na talaga. Masaya ako na nakilala ko ang mga hudlong at 'yung mga babaita. Sa loob ng maikling panahon ay naramdaman ko na may kakampi ako... may masasandalan ako sa tuwing natutumba ba 'ko. Sila ang magparamdam sa 'kin ng tunay na kaibigan... kapatid. Kahi puro kalokohan ang alam ng mga iyon, mahalaga sila sa 'kin.

They are my unexpected classmates in Twenty-third Section.

Para namang naiiyak ako dahil sa nakikita ko sila kahit sa isipan ko. Alam kong malulungkot ng matindi si Kenji kasi wala na ang shishūta niya, wala ng manlilibre sa kaniya, wala ng magbabawal sa kaniya kapag may katarantaduhan siyang ginawa.

Over thinking na ba 'tong ginagawa ko... o sadyang handa lang ang sarili ko sa mga mangyayari? Hindi naman masama ang maghanda para hindi na masakit kapag nangyari na talaga. Masaya ako... masaya akong nabuhay ako ng masaya at pinalilibutan ng mga mabubuting tao.

Lumaban ka, Heira. Kaya mo pa, may tutulong sayo kahit na malapit ng matapos ang paghinga mo. Palaging pumapasok sa utak ko 'yon. Gusto ko pa ng pilitin dahil sina mommy... ayaw kong umiyak sila, nasasaktan lang ako sa tuwing naiisip ko 'yon. Ang koning panahon ko pa lang na nakasama si daddy tapos umalis pa kami.

Sa huling beses, sinubukan ng utak ko na ngumiti. Hindi ko alam kung umabot ba 'yon sa mukha at labi ko pero alam kong huli na 'yon. Unti-unti akong nilamon ng dilim at pagkaantok. Sa isang iglap ay nawalan na 'ko ng paghinga at ang buong pagkatao ko ay naging madilim na.

Panay ang takbo ko sa isang hindi ko malamang lugar, lugar na puro estudyante lang ang nagkalat, isang lugar kung asan pamilyar na pamilyar pero hindi ko alam kung saan nga ba ang lokasyon na 'to.

"Takbo, Sylvia! Takbo!"

Natakpan ko ang dalawang tenga ko dahil sa boses na narinig ko. Boses na walang ginawa kundi ang takutin ako.

Tumakbo ako ng tumakbo, lumapit ako sa mga estudyante pero para bang hindi nila ako nakikita o nararamdaman man lang, pumasok ako sa faculty room, nando'n ang mga teacher na kaniya-kaniya ang mundo. May gumagawa ng presentation, may nagbabasa, may natutulog, may nagsusukalay, may nagchecheck ng papers at kung ano-ano pa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now