Halaman
HEIRA'S POV
"Salamat..."
Hinatid na 'ko ni Asher sa bahay, wala naman akong masasakyan dahil tanaw ko mula sa loob ang sasakyan niya. Talagang hindi niya pala ako susunduin no'n. Ang sama ng ugali kahit kailan!
Hinihintay ko pa naman siya kanina na sunduin ako, hanggang hintay lang pala ako, naghintay lang ako sa wala. Bakit ba kasi nagagagalit sa 'kin ang kumag na 'yon?
Kasalanan ko ba kung bakit ako nagbike, kasalanan ko ba na nadukot ako at nakipagbasagan ng ulo para lang makatakas? Kasalanan ko ba na nasundan nila ako? Hindi naman 'diba! Wala akong kasalanan sa lahat. Sarap mong sapakin, burikat ka!
Nakwento ko na lahat kay Asher ang lahat dahil nadulas na din naman ang dila ko kaya naman wala na akong magawa. Sinubukan ko pang magpalusot pero hindi ko rin nagawa.
Talagang ginawa niya ang lahat para lang mapaamin ako.
Ang dami niyang sinabi sa 'kin kung anong gagawin ni Aiden para matapos na ang problema niya, hindi ko nga alam kung bakit sa 'kin niya sinasabi ang mga 'yon, pwede namang ideretso kay Aiden.
Pagkatapos naming magkape, inilibre niya pa 'ko sa ihawan, dapat ako ang magbabayad no'n pero mapilit talaga siya, maaga pa kasi nung maubos namin ang mga kape namin. Siya nga parang isang lagukan lang ang ginawa niya.
Hindi ko alam kung shunga ba siya o sobra lang siyang natamaan sa kapeng ininom niya dahil atras na siya ng atras dahil inaasar niya 'ko na 'wag daw siyang lalapit sa 'kin, pinagkrus niya pa ang dalawang hintuturo niya.
Hindi naman ako masamang elemento. Bwisit.
Kakaastras niya, bigla niyang naibaba ang kamay niya, sakto 'yon sa ihawan. Tawa ako ng tawa, nagtatalon kasi siya dahil napaso ang buong kamay niya. Pati 'yung ibang tao tumawa rin.
Extra flavour.
Habang kumakain kami, nakababad sa malamig na tubig ang kamay niya, muntikan pa 'kong mabulunan dahil sa itsura niya. Lahat ata ng english na mura nasabi niya ng wala sa oras.
Siya pa ata ang demonyo sa 'ming dalawa e, siya kasi ang napaso. Binili ko na lang siya ng band aid para pamalit sa mga binili niya... hindi ko naman gastos, sukli niya 'yon, ako lang ang bumili.
Akala ko nga maglalakad kami pauwi dahil hindi niya makita ang kotse niya, nakalimutan niya lang pala na nasa tabi lang pala ng tindahan niya 'yon pinarada. Inaantok ata siya e, nagkape pa naman siya.
Habang nasa byahe kami. Dada ako ng dada pero siya tango lang ng tango. Hindi siya nagsasalita kung hindi naman importante ang sinasabi niya. Naubusan na ata ako ng laway tapos siya nagkaka-stiffneck na.
Sinabi niya sa 'kin na tutulungan niya raw akong kausapin si Aiden para kausapin niya ng maayos si Lizainne. Sabi niya...
"Sometimes a person just takes his problem to himself but the truth is, he needs a friend to lean on and talk about his problem, I know Aiden well. Nananahimik lang siya pero alam kong kailangan niya ng makakausap... dahil mag-isa lang siya sa buhay."
Tama nga naman siya. Napansin ko lang talaga nung nasa bahay este apartment niya kami, siya lang ang tao roon, kahit na mga caretaker o mga naglilinis wala rin. Basta siya lang mag-isa ro'n.
Hindi ko alam kung wala na siyang pamilya kaya mag-isa na lang siya o wala siyang pamilya dahil hindi niya kasama ang pamilya niya rito sa Maynila.
Baka naman kasi nasa ibang o malayong lugar ang pamilyang kinagisnan niya kaya siya nakaapartment dito malapit sa B.A.U. Kung gano'n nga ang sitwasyon niya, malungkot talaga ang buhay niya... tapos may nangyari pang hindi sa pagitan nilang dalawa ni Lizainne.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
