Family bonding
HEIRA'S POV
She... her? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Wala naman silang ibang anak na babae kundi ako lang. Hindi naman bading si Kio para tawaging she... shit lang pwede pa. Ang sagwang pakinggan kung Kio 'da she ang tawag namin sa kaniya.
Para akong tanga rito habang nakatingin sa maliit na siwang ng bintana. Shunga ka, Heira. May pinto naman, pwede namang do'n na lang sumilip, hindi naman nila ako mapapansin dahil nag-uuusap sila ng masinsinan.
Kaya ba pinaalis nila kami nila Kio, para makapag-usap sila tungkol dito? Kaya ba ang lungkot ng mga mata ni mommy dahil dito? Hindi naman sa chismosa ako, hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila.
Sabi nga nila, curiosity killed the cat. Pero ako, nababalot lang naman ako ng curiosity pero hindi ako cat kaya hindi naman siguro ako papataying kuryosidad ko. Masyado silang seryoso sa pinag-uusapan nila, nakakatakot tuloy sumabat para tawagin sila.
Naluluha na si mommy. Mukha siyang takot na nalulungkot. Si daddy naman seryoso lang ang mukha niya habang hinahagod niya ang likod ni mommy. Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan nila?
Kahit ako, kinakabahan ako dahil sa pinag-uusapan nila. Sa tuwing maririnig ko yung tungkol sa isang babae, parang kinakalabog ang dibdib ko. Umiling ako. Hindi. Hindi ako 'yun, hindi ko 'yung pinag-uusapan nila.
May birth certificate ako, sila ang nakalagay na magulang ko. Sa mga records ko, pangalan nila ang pinapalagay nila. Walang iba. Wala akong ibang magulang. Sila lang.
"Kahit na, sa tingin mo ba hindi lalapitan ang totoo niyang pamilya? Kahit na gaano ka pa kamahal niyan,'yung totoo pa rin ang tatanggapin niya." Humagulgol na si mommy.
"Wala ka bang tiwala sa anak mo? do you think her love for our family is so shallow?"
Ayan nananaman si 'her.' Gusto ko na lang sanang iwan muna sila at bumalik sa pwesto nina Kio at Aling Soling, pero ayaw makisama ng mga paa ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko mang hindi pakinggan ang mga susunod na sasabihin nila, hindi ko magawa... gusto pa rin pakinggan ng tenga ko.
"I know, Korbin. But what if my sister takes her back from us? What if she comes along and she leaves us?"
Sister? May kapatid pala si mommy? Parang wala siyang sinabi sa 'min tungkol do'n, sa tuwing magtatanong ako tungkol sa pamilya niya, parang iwas na iwas siya. May tinatago ba si mommy?
"Trust her. Kung sumama man siya, karapatan niya iyon dahil una sa lahat, sila ang tunay na nagluwal, sila ang tunay na may karapatan. Pangalawa, ilang taon na siyang nasa atin."
Napatigil ako ng may kumalabit sa 'kin mula sa likod. Hindi ko na tuloy narinig 'yung ibang pinag-uusapan nila mommy. Si Kio 'yun, parang nagtataka pa kung anong ginagawa ko at nakasilip ako sa bintana.
Sinenyasan 'ko siya ng 'shhh, manahimik ka muna.' Sinamaan niya 'ko ng tingin at sumilip din sa may bintana. Kumunot ang noo niya, nakita siguro niya ang pang-aalo ni daddy kay mommy.
"What are you doing here? Sabi ko sayo tawagin mo na sila daddy, anong oras na oh." Bulong niya, buti naman at marunong siyang bumulong.
"Wala... napadaan lang, galing ako sa likod." Palusot ko.
Sa totoo lang, wala naman dapat akong dahilan para magpalusot, pero baka sabihin niya pa, nakikinig ako sa usapan ng matatatanda. Baka isumbong pa nga niya ako.
"Anong ginawa mo naman do'n?"
"Nagpulot ng tuyong dahon." Walang kwentang sagot ko. Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko na siya papasok sa bahay. Umakto ako na parang walang narinig. Kunwari kakapasok ko pa lang.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
