Electric fan
HEIRA'S POV
"Dito talaga kayo mag-sstay habang wala pa kayong matutuluyan?!"
Hindi talaga ako makapaniwala sa inalok ni mommy sa kanila, pumayag naman sila dahil ngayon pa lang sila pumunta sa Pilipinas. Wala silang matutuluyan, ayaw naman silang papag-hotel-in ni mommy dahil magastos daw 'yon.
Sabi na e. Tama talaga ang hinala ko kung bakit sila nandito. Wala naman daw silang matinong kaibigan sa New York kaya naman pumunta na lang silang dalawa rito para rito ipagpatuloy ang pag-aaral nila.
Hindi naman ata tutol ang mga magulang nila dahil mga Pilipina ang mga nanay nila. Sa ibang bansa lang sila nakatira.
Ngayon naman, sinundan nila si Kio rito para raw mabuo ulit ang pagkakaibigan nila. Kung babae lang sila baka sabihin ko pang sweet silanb maging kaibigan pero hindi e.
Masaya naman ako para kay Kio dahil for the first time in forever ay mero'n na siyang kaibigan na makakasama. Ang akin lang naman at sana makasundo ko ang mga 'to at 'wag na 'wag nila akong guguluhin.
Baka kasi may magawa akong hindi nila magustuhan. Kahit na lalaki sila wala akong pakialam, kahit sino naman kaya kong sipain ang mukha lalo na kapag napipikon na 'ko.
Ang sakit tuloy ng lalamunan ko dahil sa tinanong kanina ni Theo sa 'kin. Wala naman talaga akong boyfriend, nabigla lang ako dahil biglang lumipat sa 'kin ang topic nila. Si mommy kung ano-ano pang inihihirit.
"She doesn't have a boyfriend, Theo. Do you have a crush on my daughter?" Tanong ni mommy, kung hindi ko lang siya nanay baka nasabunutan ko na siya.
"Hmm.." Inilagay ni Theo ang isang kamay niya sa baba niya na para bang nag-iisip pa siya.
Si Rhysth naman kanina pa niya sinasapak-sapak ang likod ko, ice cream ang nalunok ko, hindi buto. Kinuha ko na lang ang tissue'ng inaalok niya tsaka ko pinunasan ang bibig ko.
"Is it okay if I tell you that... I have a strange feeling for her?" Tanong ni Theo, hindi ko siya ma-gets kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya.
"Yes, it is. It's okay, Matt. As long as you care for her. As long as your not courting her. Bawal pa siyang magkaboyfriend..." Sagot sa kaniya ni mommy, bahagya namang tumingala si Theo sala tumawa. "...I mean pwede naman basta 'yung gwapo, matangkad, maputi, maalaga, mabait pero 'yung seryoso." Dagdag ni mommy, umayos naman ng upo si Theo, kinunutan ko siya ng noo.
Ginagawa mo, boy?
"I am handsome—!"
"Ehem, ehem, ehem!" Nagpekeng ubo si Rhysth na para bang tinututulan ang sinabi ng kaibigan niya. "...You are too high."
"Psh! I am literally handsome, no one can change the fact!" Taas noong sagot ni Theo, pinagtaasan naman siya ng kilay ni Kio.
"Yes, Matt. You're handsome." Nakangiting sagot ni mommy kaya ayon lumaki ang ulo si Theo dahil do'n. "...You are more handsome than my husband." Bulong ni mommy pero narinig naman namin 'yon.
"Mommy!"
Sabay kaming dalawa ni Kio ang bigla na lang sumigaw. Hindi namin tanggap 'yon, mas gwapo pa rin si daddy kahit na kanino. Nambobola lang si mommy, 'yan ang sigurado.
"Okay okay." Natatawang sabi niya tsaka tinaas ang kamay na para bang pinipigilan niya ang pagkainis namin. "...Just kidding. Your dad is the most handsome in eyes."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
