Chapter 148

8 3 0
                                        

Misunderstanding

HEIRA'S POV

"Heira needs to get married soon as possible."

Napalingon ako kaagad kay Kio ng sabihin niya 'yon. Hindi naman halata sa kaniya na nagbibiro siya, una sa lahat, hindi naman niya sasabihin 'yon sa harap nina mommy at daddy, pangalawa, hindi akma ang sinabi niya sa sitwasyon ngayon. At ang huli, hindi niya nga ako gustong magkaro'n ng boyfriend tapos ipapakasal niya pa 'ko?

Naibuga naman ni mommy ang iniinom niyang tubig. Gano'n din si daddy, parehas silang nasamid sa binanggit ni Kio. Kung may pagkain nga ako sa bunganga ko, baka nabilaukan din ako. Ano ba kasi ang tumatakbo sa utak ni Kio at sinabi niya 'yon?

Baka hindi siya nireplyan nung kachat niya kaya ang sama ng mood niya. Parang wala nga siyang ganang kumain e. Hindi ko na lang muna pinansin 'yon at kumain na lang, baka nagjojoke time lang siya. Mahilig siya nung gano'n e.

"Anak naman..." Sabi ni mommy habang nagpupunas ng bibig.

"I'm serious, mom."

"Huy, Kio. Anong pinagsasasabi mo r'yan?" Kabadong tanong ko, baka totohanin niya ang sinasabi niya.

Hindi pa 'ko ready'ng humarap sa altar. Baka takasan ko lang ang groom ko at iwanan siya sa simbahan. Kung gusto ni Kio, siya na lang ang magpakasal, idadamay pa 'ko e. Masaya ako sa buhay ko.

"Shut up. Continue eating."

Tumango na lang ako sa kaniya. Wala na 'kong balak pang makipag-argumento sa kaniya.

"What do you mean, 'nak?" Tanong ni daddy.

"She needs to get married, tutal nagawa niya naman na."

"Ang alin?" Kabadong tanong ni mommy.

"That... thing." Pinakadiinan niya pa ang huling salita. Aangal na sana ako ng biglang may narinig akong pagkabasag.

Kaagad akong tumingin kay mommy na ngayon ay laglag na ang panga at nanlalaki ang mga mata. Hala! Baka kung anong isipin nila sa sinabi ni Kio, hindi ko ginawa 'yun 'no! At wala akong balak gawin 'yon. Siraulo talaga. Grrr!

Tatayo na sana ako at pupulutin ang basag na baso sa sahig nang pigilan ako ni daddy, baka kasi madisgrasya pa kami kapag nagkataon, puro bubog pa naman ang mga 'yon.

"Stay there. Hayaan mo na 'yon, Heira." Sambit ni daddy.

Kanina pa 'to ah. Bakit pakiramdam ko galit ang mundo sa 'kin ngayon? Palaging may nangyayaring hindi maganda. Isama mo pa ngayon ang hindi maipaliwanag na reaksyon ni daddy. Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito. Nanginginig pa ang mga kamay niyang may hawak na kutsara.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Kio." Tulalang sabi ni mommy, nauutal pa siya.

"She did that... thing." Pag-uulit niya. Binitawan ko ang kutrasa at tinidor.

Ano ba ang thing na sinasabi niya? Walis thing-thing? Thingker bell? Thingina mo? Siya, mukhang thing-thing.

"Heira..." Tawag ni daddy, kaagad ko naman siyang tinignan.

"Po?" Utal kong tanong.

"Is that true?"

"Po?"

"Is that true?!" Mahinahon pero madiing tanong niya, nanlambot ako dahil sa mga tanong nila. 'Yung juice pa rin ba ang pinag-uusapan dito? 'Yung nakabungguan pa rin ba?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now