Chapter 208

5 0 0
                                        

Foundation day 1.5

HEIRA'S POV

"Tara na, punta na tayo ro'n."

Sampong minuto na lang mag-uumpisa na ang program ng foundation, sa totoo lang bukas pa raw dapat uumpisahan pero inuuna na nila ang voice of the night baka raw gahulin sa oras kung hindi pa nila uumpisahan ngayon.

Kanina pa nila hinihila ang kamay ko pero nanatili akong nakahiga sa sleeping bag ko, parang nawalan na ako ng gana na manood pa, gusto ko na lang matulog ngayon kahit hindi pa ako nakakakain.

Nakakainis naman kasi, wala lang nakakainis lang. Buti na lang pala at may dala rin akong kumot.

Doble-doble na ang mga nakalagay sa katawan, hindi naman maalinsangan dahil makulimlim ang panahon, baka umulan pa nga niyan.

Bukas na ang birthday ko pero hindi ko feel. Wala naman din akong balak ipaalala sa kanila, parang wala ng espesyal sa mga araw na 'yon, tatanda lang ako.

Bigla na lang kasi akong kinabahan kanina ng sabihin nina Eiya na nasa harap ng pinto si Kayden kanina at nanonood din sa 'min.

Bakit hindi ko siya napansin kanina, baka nakita niya 'yon, baka kung ano pang isipin niya dahil sa mga pinaggagawa ko kay Adi kanina, bwisit.

Nainis pa ako dahil baka nakita niya rin ang ano alam niyo na 'yun. Dapat pala hindi ko na lang pinansin ang pamumula kanina ni Adi, baka normal lang sa kaniya 'yon dahil namula rin siya nung kinindatan ko siya sa loob ng room.

Mainit lang ang kamay niya pero ramdam ko naman na pinagpapawisan siya. Hindi man lang kasi nagsalita si Kayden edi sana natigilan ako sa pagtalon ko.

Hindi naman sa naghahangad ako pero kung napansin ko ang presensya niya edi sana hindi ko nahalikan si Adi, naka nakita niya rin ang pag-wa-walk out ni Adriel.

Kaya pala wala siya kanina, baka nabwisit siya, ayaw niya pa namang nakakakakita ng gano'n. Minsan nakikita ko siyang nakatingin pero agad namang sumasama 'yon kapag tinignan ko rin siya.

Gusto ko siyang puntahan at hanapin kung nasa'n man siya ngayon pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta kanina.

Tsaka bakit ko naman siya pupuntahan, para saan pa? Para tanungin kung bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya?

E baka naman kasi multo siya kaya gano'n, malay ko ba kung kaluluwa na pala siya. Kung susundan ko siya, ano namang sasabihin ko sa kaniya? Ano bang pakialam niya sa nakita niya kanina?

Kung pupuntahan ko man siya baka wala rin akong mapala, baka nga pinuntahan niya na si Zoe e, at wala akong pakialam do'n. Natatakot ako na kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Basta ang alam ng utak ko, kailangan kong magpasorry sa kaniya kahit hindi naman talaga kailangan pa.

Bumuntong hininga ako at sumimangot, kanina ko pa iniisip kung ano ang pwede kong gawin. Tamad naman akong bumangon, bagsak ang mga balikat ko, iniisip ko talaga ngayon si Kayden, pa'no kung iwan niya kami sa ere?

Napailing naman ako. Imposible naman 'yon dahil siya ang president namin. May tiwala kami sa kaniya kahit na gago siya. Umupo ako at tumingin sa mga babaita at kay Kenji na kanina pa nila ako pinipilit.

"Kailangan pa ba na kasama ako ro'n?" Sabi ko tsaka ako ngumuso.

Bigla na lang akong binatukan ni Trina. "Oo naman, laban ko 'yon tapos hindi ka manonood? Kaibigan ba talaga kita?" Inis na sabi niya sa 'kin.

"Video-han niyo na lang tapos mamaya ko na lang papanoorin." Hinila ko ulit ang kumot at akmang hihiga ako ng hawakan ni Alzhane at Shikainah ang balikat ko at inangat ako dahilan para hindi ako makahiga.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora