Vance Vs Trina
HEIRA'S POV
"Yakiesha!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa 'kin ni Kio, sinusundan niya ako mula kaninang nagpaalam ako kay mommy na aalis na 'ko hanggang sa makalabas kami ng bahay.
Bakit ba kasi nasa dulo pa yung kusina namin? Ang tagal tuloy bago ako nakarating sa pinto. Kaagad kong kinuha ang bike ko at binuksan ang gate.
Sa dami ng pwedeng tanungin kung 'ano bang problema mo?' ako pa talaga ang nakita niya. Sino bang nagsabi sa kaniya na may problema ako?
Kung makapang-akusa siya akala mo naman ang dami kong ginawang hindi maganda. Porke nananahimik lang, may problema na kaagad? Hindi lang namamansin, may problema na kaagad? Hindi ba pwedeng snobber lang muna ako ngayon?
Napasimangot na lang ako. Ayaw ba nila na nananahimik ako? Palaging gustong marinig yung mga halakhak at pamatay na boses ko? Kapag naman maingay ako, pinapatahimik nila ako. Yung totoo, nakasinghot ba kayo?
Kung sabagay, pati ako ay naninibago sa pananahimik ko. Parang hindi mapakali ang tenga ko dahil hindi ko naririnig palagi ang boses ko. Parang hindi makapaniwala ang lalamunan ko dahil sa hindi ko pagsigaw.
"Yakiesha! Isa!"
Bahala kang magsisisigaw d'yan. Akala mo naman mawawala ako dahil sa tipo ng pagsigaw niya. Susme! Hindi naman ako aalis! Ay oo, aalis ako pero pupunta ako ng iskwelahan. Aning ka na talaga, Kio.
Sabi ko sa kanina sa sarili ko kakausapin ko na ng matino si Kio dahil naguguilty na 'ko sa mga kagagahan ko kaso nabadtrip ako sa kaniya kanina. Kung ano-ano pang sinabi niya.
Akmang magpepepdal na 'ko palabas ng gate ng bigla siyang humarang sa daraaan ko. Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay. Pinanlisikan niya naman ako ng tingin. Kung hindi ka aalis sa daraaanan ko, bubungguin kita!
"Hindi ka nananaman ba sasabay sa 'kin?" Seryoso tanong niya habang nakakrus ang mga braso.
Eto na e, nakasakay na 'ko sa bike ko, konting oras na lang ay makakaalis na 'ko at malalanghap ko na yung hangin na malamig pero heto ako ngayon, nakatayo at binabalanse ang katawan sa bisekleta ko, ihampas ko na lang kaya ang manibela kay Kio?
Biro lang.
"Hindi."
Ilang araw na kaming ganito. Simula nung marinig ko yung pesteng usapan nila ay hindi na 'ko sumasabay sa kaniya. Parang hindi ako komportable na makasama siya habang may kung anong gumugulo sa isip ko.
Sa tuwing papasok kami ay nagmamadali akong sumasakay sa bike ko para hindi na nila ako kulitin na sumabay sa kaniya. Oo sila, kasi sigurado akong kukunin niya si mommy para mapapayag ako.
Minsan naman ay nagpapahuli ako, kunwari may kinukuha lang ako sa kwarto ko tapos kapag nagtagal na 'ko, sasabihin ko sa kaniya na mauna na siya. Hihintayin ko pa munang makaalis ang kotse niya bago ako pumapasok.
Kapag uwian naman ay tinataguan ko siya. Minsan sumusuot ako sa ilalim ng teacher's table na pinag-taguan dati ni Kenji, minsan naman nagtatago ako sa likod nina Kayden at Adriel sa laki ba naman ng katawan ng mga 'yon, pwede akong magtago ng hindi ako nahahalata ng iba.
May minsan pa ngang nahulog ako mula sa kabinet dahil do'n ako nagtago. Talagang todo-effort ako na umakyat do'n para lang hindi niya ako makita. Madalas naman ay nauuna ako sa kaniya. Halos mapigtas na ang kadena ng bike ko dahil sa kakamadali ko.
"Sumabay ka na sa 'kin. It is dangerous to ride a bicycle in the middle of the highway ‘cause there are so many cars there."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
