Jet ski
HEIRA'S POV
"We only have five jet skis."
Nandito kami ngayon sa kabilang dako ng resort. Sa harap mismo nung hotel nila Elijah. Dito kasi nila pinarada 'yung mga jet ski na pinapahiram nila sa 'kin. Kina Elijah naman daw 'yon pero pang-pribado lang daw kasi ang mga jet ski nila. Hindi lahat ay nakakagamit kaya nga swerte kami dahil pumayag ang mga magulang niya napahiramin kami kahit saglit lang.
May hotel naman pala sina Elijah pero mas gusto niya talagang tumira sa rest house niya. Maganda kasi kapag sa hotel dahil may nag-aasikaso sayo hindi tulad nung rest house na tinutuluyan namin, kapag mag-isa ka parang ang lungkot nung bahay. Parang si Elijah nga lang anh nandito e. Hindi pa namin nakikita ang mga magulang niya.
Pero sabagay, maganda rin naman na may sarili siyang bahay dito sa resort nila. Bukod kasi sa may sarili siyang privacy, magkakaroon pa siya ng peace of mind lalo na at nasa harap lang siya ng dagat. Makakapag-isip siya ng maayod kung may iniisip lang siya.
May lumapit sa 'min na medyo may katandaan na. Si Mang Elong 'yon, namamahala at minsan tagalinis daw nitong resort nila. Siya 'yung nagdala nung mga jet skis na 'to, may kasama siya syempre pero siya muna ang nagpaiwan dito para kausapin kami. May aasikasuhin daw muna raw saglit ang mga kasama niya.
"Iyan lang ang pinahiram ng mga magulang ni Jon Jon, nasa kabilang resort kasi ang iba, matatagalan kung ihahatid pa nila rito."
"Sino po si Jon Jon?" Tanong ko.
"Siya." Turo niya kay Elijah. "Hindi niyo ba siya kilala? Siya ang kasama niyo hindi ba?"
"Mang Elong." Nagbabantang tawag ni Elijah pero tinawanan lang siya ni Mang Elong.
"Hay nako bata ka. Hindi ka pa rin nagbabago, masyado ka pa ring seryoso. Minsan, ngumiti ka rin apo."
"Mang Elong, Elijah po ang pangalan ko." Pagdidiin ni Elijah.
"Oo nga, alam ko iyon. Elijah Jon ang iyong pangalan at Valdez ang iyong apelido, tama ba ako, Jon Jon."
"Elijah po. I'm Elijah." Pag-uulit ni Elijah.
Ah... ngayon alam ko na kung bakit Jon Jon ang tawag sa kaniya ni Mang Elong. Second name niya nga pala 'yon, hindi kasi niya madalas gamitin ang pangalan na 'yon kaya hindi ko agad naintindihan. Mukhang napipika na 'tong isa dahil sa kaka-Jon Jon nitong matandang nang-aasar sa kaniya. Siya lang ang nakakagawa no'n sa lalaking seryoso na 'to ah.
"Mas gamay ko pa rin ang pagtawag sa iyo ng Jon Jon at kahit na anong gawin mo, hindi mo iyon mababago." Sabi ni Mang Elong tsaka tinapik ang balikat nitong isa. "O siya, ikaw na ang bahala sa mga kaklase mo, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa mga dapat gawin, Jon Jon." Tumatawa siya ng umalis.
Ang lakas pala ng tama ni Mang Elong talagang napika itong isa. Dinidiinan niya pa talaga ang pagbigkas niya ng Jon Jon. Wala namang masama sa pagtawag ng gano'n, maayos naman at pwede na pero mas maganda pa ring pakinggan ang Elijah.
"Oh, Jon Jon, aalis na ba tayo, 'dre?" Nandito na ang hari ng pambabadtrip. Kung kagabi tahimik siya ngayon hindi na. Bakit ba kasi hindi pinahaba ni Vance ng isang buong taon ang utos niyang pagsalitain ng English si Xavier e.
Sinabi pala ni Kayden kagabi na gagawin ko na lang daw ang dare niyang maging alalay niya 'ko ng isang linggo kapag may pasok na kami, baka raw hindi ako makapag-enjoy kung uutos-utusan niya raw ako rito sa resort. Sa madaling salita, mabait na medyo gago talaga siya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
