Kuya Charles
HEIRA'S POV
"Paano niyo kami nasagip? Malayo ba 'yung pinagdalhan sa amin? Hindi ko na kasi maalala e."
I asked Kayden about what happened the last time we encountered Dominic. Nakaupo kaming dalawa sa may rooftop habang nakasandal sa pader at pinapanood ang mga bituwin sa langit. Hinayaan ko siyang humiga sa aking mga binti, ginawa niyang unan ang aking mga legs. May suot naman akong hospital gown, tapos mayroon pa akong jacket na nakapatong sa akin. Hindi ako naiilang dahil kaming dalawa lang naman ang narito.
I am watching the stars and the moon above the stars. Ang gagandang tignan ng mga iyon ngayon pang tahimik ang panahon at ang hangin. Hindi ko na alintana pa ang oras, wala namang nakapansin sa akin na lumabas ako ng aking kwarto. Kung mayroon man ay si Kayden lang siguro iyon kaya naman sinundan niya ako rito. Ewan ko nga kung bakit ang clingy ngayon ng Kulapo na 'to e.
He hold my hand and kisses it gently. This the leader of the gangster but now... he's like a snow and I am the burning sun, biglang natunaw ang kaniyang malamig na mga mata dahil sa init ng mga palad ko. I now he's mad at me... at us because of what we did. Hindi rin naman namin inaasahan na manyayari ang lahat ng iyon. Ang maliwanag lang sa aming dalawa ni Kenji ay iyong pag-aaway naming dalawa tungkol sa mga sugat niya.
I asked Kenji a lot of times and then he run and run until he came to the abandoned market. And there, they got us and the incident happened. Iyon lang naman tamang sequence ng mga nangyari hanggang sa makarating kami rito sa hospital. Hindi naman kami ang nagkagusto na masaktan pa. Siguro ay natrigger lang si Kenji sa mga tanong ko kaya siya tumakbo noon.
Hindi masyadong nagpapabigat sa akin si Kayden ngayon dahil alam niyang masakit pa rin ang aking mga binti dahil sa mga pasa at sugat, gusto niya lang daw pagmasdan ang mukha ko. Akala mo naman ay isang taon niya akong hindi makita. Imbis na titigan ko siya ay pinirmi ko na lang ang aking mga mata sa mga nagkikislapang mga bitwin sa kalangitan at ang bright half moon.
Call me weird but I always tell myself that I am scared of darkness. Pero sa tuwing titignan ko ang mga nasa kalangitan ay natutuwa ako. They calms my mind. Hindi ko naman makikita ang mga bitwin at ang buwan sa mga ulap kung walang dilim na maglalayag. Siguro ay iyon lang talaga ang excemption sa mga takot ko. Because, even though the moon came out in the dark, it has the light. Binibigyan niya pa rin ng liwanag ang madilim na paligid.
Kayden closed his eyes while I am gently combing his hair using my fingers. Infairness, mabango pa rin ang amoy niya tapos ang lambot pa ng buhok. Na-conscious tuloy ako sa amoy ko ngayon. Ilang araw na rin akong hindi nakakaligo at nakakapagpalit ng damit kaya alam kong ang asim ko na. Tapos dumagdag pa ang amoy ng dugo at ang mga sugat ko.
Pasimple kong inamoy ang aking sarili. Nakahinga naman ako ng maluwang nang maamoy na mabango ako. Baka si Mommy ang nagpaligo o naghilamos sa akin habang tulog ako. O kaya naman nilinisan ako ng mga doctor at nurses habang ginagamot nila ang mga sugat ko. Mayroon akong bendang nakapalupot sa aking ulo, ganoon din sa aking isang kamay. Napilayan na siguro ako dahil sa kagagawan ng mgawalang hiyang 'yon.
"I have my ways of finding you, Heira. Kahit saan ka pa magpunta, mahahanap kita." Sagot ni Kayden sa akin matapos ang isang tahimik na sandali. Akala ko ay hindi na siya sasagot pa, ang tagal niya kasing sumagot e. Nakapikit naman siya kaya naman tinitigan ko ang kaniyang mukha.
Hinaplos ko ang kaniyang noo nang makita ko ang isang sugat doon. Sariwa pa iyon at may bakas pa ng dugo, ni walang benda 'yon. Napangiwi siya sa aking ginawa kaya naman nailayo ko agad ang aking kamay. I thought he would open his eyes and glared at me but he remained closing his eyes. I pursed my lips and start to fantasizing his face.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
