Congressman's child
HEIRA'S POV
"Grabe ang performance niyo! To the highest level na."
Humikab ako saglit tsaka tumayo. Sumunod ako kina Kio dahil kukuha raw siya saglit ng pagkain, hindi naman ako ikukuha no'n. Hinila ko si Kenji para may kasama ako, kanina niya pa ako hinihintay na kumuha, nahihiya raw ang gago.
Natapos na 'yung ibang section. May iba't ibang mga contest pala ang gagawin kada grade level, pero ang mga grade 12 bahala sa mga booths na may games.
Inuna lang ang grade 11 dahil masyadong marami ang mga section namin samantalang tig-10 lang ang ibang grade, hindi man lang nangalahati sa section namin.
Hindi pa nila inannounce kung sino ang mananalo ngayon dahil sabay-sabay daw nilang sasabihin 'yon kapag tapos na ang buong program.
Kung ano-ano pang alam nilang sabihin kanina tapos ganito lang pala 'yon. Puro kanta lang, ginawa nilang teatro ang gymnasium, parang theater play ah.
Bunutan ang ginawa nila kaya naman pang labing-isa ang section namin kaya pala parang ang bilis ng turn namin.
Tawang-tawa pa ako kanina dahil sa may sariling dancer ang mga emcee na may dala nung bowl na may dalang mga number. On the spot 'yon.
Sobrang ikli ng short niya kaya naman kita ang masamang panahon sa tuwing mag-ssplit siya. Kung makapagtaas pa naman siya ng paa niya, akala mo naman ang puti ng singit e 'no.
Mata lang ang puti sa kaniya, pati tuhod niya parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa itim.
Ang tangkad nung dancer, maganda naman siya, kulot nga lang tapos ang itim ng batok. Pinagtitripan nga siya ng mga hudlong dahil nakikita na raw nila ang wings nung napkin niya kakasayaw niya sa gitna.
Kami tuloy ang pinakamalakas ang tawa sa buong gymnasium, wala naman silang magagawa dahil gano'n talaga kami e.
Gusto nga raw siyang palitan ng batang hapon dahil may malambot pang gumiling si Kenji kaysa sa kaniya, parang pinilit lang 'yung babaeng 'yon na maging bowl girl.
Kung ako sa kaniya, hindi na siya pwedeng maging dancer ni Kuya Will, hindi kaya ng bewang niya ang 'oh pak ganern.'
Kumuha ako ng plato, buti naman hindi na talaga catering ngayon ang pagkain dito, sari-sariling kuha na hindi 'yung kakarampot lang ang binibigay na ulam, hindi ka man lang mabubusog.
Naglagay ako ng pagkain ko, ang swerte ko ata ngayong araw dahil mero'ng chicken pastel na nakahanda.
Nasa labas kami saglit dahil kailangan muna naming bumalik sa mga room namin para magpahinga saglit, mamayang mag aalas-nuwebe raw nila itutuloy ang laban para tumagal naman ang gabi.
Bahala na sila ro'n dahil matutulog na kami, wala naman kaming balak manood sa kanila pwera na lang do'n sa babaeng nag-ssplit at kita ang madilim na panahon.
Gusto ko rin namang gawin ang ginagawa niyang pagkembot at pagtatambling pero naka-jogging pants ako e. Talo ko na siya kapag ginawa ko 'yon, kaso hindi ko kaya ang sarili ko, babagsak lang ako sablupa kaya naman 'wag na lang.
"Tara na, Ji. Tama na 'yan oy." Saway ko sa kaniya, ang dami ng kinuha niyang pagkain e.
"Wait ka lang, Yakie. D'yan ka lang, may kukunin pa 'ko e." Sabi niya tsaka siya sumimangot.
Tumayo ako sa isang gilid, sa gilid ng lamesa kung saan nakapatong ang mga pagkain na inihanda nila. May nagbabantay sa pagkain pero panay naman ang pagpindot niya sa cellphone niya. Sana lahat may kachat.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
