Chapter 247

3 0 0
                                        

Keys

HEIRA'S POV

"Heira... tumayo ka na muna r'yan para makakain na kayo nitong kasama mo."

Marahang tinatapik ni Kuya Charles ang aking balikat, nararamdaman ko iyon pero hindi ako nagmulat ng mga mata sa kaniya. Masakit pa ang katawan ko, masakit pa ang mga kalamnan ko, hindi sapat ang magdamag para mawala lahat ng hapdi at kirot na ibinigay ng mga lokong 'yon. Napapakislot pa ako kapag natatamaan ni Kuya Charles ang aking mga sugat. I need some time to rest... to gain strength again.

Parang babagsak ang katawan ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. From tissues to joins... I can feel the unexplainable pain. Hindi ko ginamot ang mga sugat ko, hindi rin ako uminom ng mga pain relievers dahil wala naman ng ganoon dito. Alikabok lang naman ang malalanghap. Ilang araw pa ba akong mananatili rito?

"K-kuya... hayaan muna natin siyang matulog, baka nananaginip pa siya. Sisipain ka niyan kapag naistorbo mo siya sa pagtulog niya." Rinig kong sabi ni Kenji. I feel their stares at me. Nakakailang na nga, ni hindi ko na alam kung ano nga ba ang itsura ko ngayon lalo na at nakatitig sila sa akin. "Akin na lang po 'yung pagkain, kuha niyo na lang po siya ng bago mamaya." Dagdag pa niya.

"Naririnig kita," I mumbled. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata kahit na bumabagsak ang mga talukap noon. Bawat parte ng katawan ko ay parang napupunit dahil sa kakaiba at matinding sakit. Halos maiyak na ako dahil hindi oo maigalaw ang katawan ko.

"Dahan-dahan lang, baka mabigla ang katawan mo at mapilayan ka." Ani Kuya Charles at inalalayan akong makaupo. Agad kong sinandal ang aking likod sa headboard ng kama. Sinandal ko na rin ang aking ulo.

Para akong isang papel na tanging pinapagalaw na lang ng hangin dahil sa panlalambot. Sa totoo lang, hindi ko nararamdaman ang gutom, tanging kirot at lungkot lang. Habang buhay na lang ba kami ni Kenji rito? Hindi na ba talaga kami makakatakas sa lalong madaling panahon? Ayaw ko na rito. Hindi patas lumaban ang mga kalaban namin. Hindi tama ang ginagawa nila.

"Hindi pa ho ba ako napilayan nito?" Pagbibiro ko sa kaniya. "Matapos kong mahampas ng hindi ko mabilang na beses... daig ko pa ang na hazzing ng tatlong beses." I sarcastically laughed. Dahil doon, napangiwi ako dahil sa paggalaw ng aking katawan.

"Huwag ka munang masyadong gumalaw. Dinalhan kita ng gamot na maaaring makatulong para maibsan ang kirot ng mga sugat mo. Pain relievers kumbaga." Sabi ni Kuya Charles. Tipid akong tumango sa kaniya. Tumayo siya ng maayos at inihanda na ang kakailanganin namin bago kumain.

"Ano po 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

Sabaw kasi ang nakikita ko pero malabo pa iyon sa akin dahil hindi pa masyadong malinaw ang aking nakikita. Umupo naman ako ng maayos at huminga ng malalim. Hanggang kailan ko iindahin ang sakit na ito? Para akong tatrangkasuhin. Alam kong lalagnatin ako nito dahil sa mainit ang at mabilis na ang mga paghinga ko.

"Sopas. Iyan lang ang nabili ko sa labas, wala namang sabaw ang iniluto nila sa ibaba. Iyan lang din ang nakayanan ng pera ko, pinadala ko kasi ang lahat sa pamilya ko." Paliwanag niya sa akin. Napangiti talaga ako. "Hayaan niyo... kapag may pagkakataon, ipagluluto ko kayo ng sabaw..." Ngumiti siya. "Oh, siya... aalis na ako, baka mahuli pa akong pinapakain ko kayo. Basta kapag kumakain na kayo ay sumandal kayo sa pinto para hindi nila kayo makitang kumakain." Paalala niya, tumango naman kami ni Kenji at pinanood namin siya kung paano siya lumabas ng pinto at kinandadong muli ang kwartong ito.

Tinulugan ako ni Kenji na maglakad patungo sa pinto para gawin ang paalala ni Kuya Charles sa amin. Alam naman naming nag-iingat din siya sa mga tauhan dahil kaming tatlo ay mapapahamak kapag nahuli siya. Sumandal ako sa pinto, si Kenji naman ang naghanda ng makakain namin. Inilapit niya sa akin ang isang malaking lalagyan, dalawang maliliit na mangkok, kutsara at tubig.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now