Test results
HEIRA'S POV
"Alas sais na?!" Gulat na tanong ko.
Napabalikwas ako ng upo at tumingin sa wall clock. Lampas alas sais na nga! Tumingin ako sa may bintana, madilim na rin. Tanging mga ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa mga pasilyo at mga kwarto. Wala na rin namang mga tao!
Hala!
Umayos ako ng upo. Mailaw ngayon ang clinic at nando'n pa rin sina Nurse Alice at Dr. Chet. Nagchecheck sila ng mga papeles at nag-aayos ng mga gamot. Kaya pala nandito pa rin kami dahil kasama pa namin sila. Patay na, baka nag-aalala na sina mommy at daddy nito.
Tinignan ko naman ang cellphone ko. Sigurado akong sa 'kin sila tatawag. Nakasilent pa naman 'to. Kaya pala hindi ko naririnig na tumunog kanina. Ang dami nilang tawag at text. Alas sais na pero hindi man lang nila ako ginising. Mapapagalitan nananamn niyan ako nito e.
Eiya- 37 missed calls
Mommy- 34 missed calls
Daddy- 18 missed calls
Kio- 12 missed calls
Asher- 48 missed calls
Adriel- 20 missed calls
Kayden- 3 missed calls
Yari na talaga ako rito. Pati si Kayden napatawag na rin ng wala sa oras. Makakalabas pa ba kami rito sa B.A.U. mukhang nakasara na ang mga gate na pwedeng paglabasan e. Hindi man lang nila inalala kung may mga estudyante pang naiwan sa loob.
Mabilisan akong tumayo at nagmadaling ayusin ang mga gamit ko. Nag-iisip na rin ako ng paliwanag kina mommy at daddy. Palusot nananaman ako nito. Hindi ko pwedeng sabihin na natulog ako sa clinic at hindi ako pumasok ng klase.
'My, dy... nakatulog lang po ako.'
'Hello po, good evening, nakauwi na po ako.'
'Nakaidlip lang po ako saglit.'
'Ang ganda niyo po, punta na 'ko sa kwarto.'
'Gutom na po ako... nakatulog lang po ako sa clinic tapos hindi ko na po namalayan na gabi na.'
Napailing na lang ako, hindi valid ang mga rason ko. Ilalaglag nananaman niyan ako ni Kio. Kakatapos ko lang sa sermon kagabi tapos heto nananaman ako. Inihahanda ko na ang pandinig ko sa mga armalite at kalibre kwarentay singko.
"Hoy! Bakit hindi mo 'ko ginising? Yayariin ako ni daddy nito e!" Pagsusumbat ko kay Chadley.
Nakatayo siya. Nakasandal siya at ang isang paa niya sa pader. Nakacross arm pa siya habang tatawa-tawang nakatingin sa 'kin.
"Anong hindi kita ginigising?! Kaninang alas tres ginising kita tapos sabi mo ten minutes na lang pero umabot ka ng alas kwarto. Mga alas singko, ginising kita tapos sinampal mo 'ko kasi sabi mo ang ingay ko!" Paliwanag niya.
Nalaglag naman ang panga ko. Ginawa ko talaga 'yon? Bakit? Akala ko nananaginip lang ako na nakikita ko si Kio kanina at pilit akong ginigising dahil late na kami, kaya ayon sinampal ko na lang siya. Malay ko bang si Chadley pala 'yon.
"Kahit na! Dapat niyugyog mo na lang ako. Tamo, maggagabi na!"
"It's not my fault."
"Psh! Tara na nga, umuwi na tayo, gago, hinanap pa na 'ko sa bahay— ay puta!" Napatalon ako ng tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko 'yon ay nakita kong tumatawag si Kayden.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
