Going back
HEIRA'S POV
"We've been looking for you for a few days, and you're just fucking here..."
In just one snap, my brother is in front of me while his burning eyes are slowly melting me. Parang gusto kong lumubog ngayon sa kinahihigaan ko lalo na at masama ang titig ng kulay abo niyang mga mata. Gusto kong sisihin si Axl dahil dinala niya rito si Jaxon pero ano pa ba ang silbi noon kung gagawin ko 'yon? Narito na siya sa harap ko, sigurado akong iuuwi niya na ako nito sa araw na 'to.
Funny that his eyes is burning yet I can sense the coldness of them. Nakakuyom ang kaniyang mga palad, suot pa niya ang uniform niya at basa pa ang buhok niya. Kung hindi ako nagkakamali ay may pasok siya ngayong araw. Kaya pala parehas sila ng uniform ni Axl dahil magkaklase sila at... magkaibigan. I averted my eyes to Axl, umiling-iling siya na para bang wala siyang ideya kung bakit nandito ang kapatid ko. Nakakabinging katahimikan ang dumalot sa amin. Kulang na lang ay may dumaang kuliglig para magkaingay.
"Oh, I guess... we should go na, Baby. Your future Ate's brother is here na. They need to talk to each other." Basag ni Tita sa katahimikan. Nagtataka naman ang kaniyang anak ngunit agad din siyang tumango. Binalik ni Tita sa akin ang kaniyang tingin. "We gotta go. Nakibalita lang ako sa kalagayan mo. Take care of yourself."
"S-salamat po sa pagbisita kung ganoon." Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Kumaway naman si Nickey sa akin bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Hinatid sila ni Axl kaya naman naiwan kaming dalawa rito ni Jaxon dito. Tumikhim ako at binalingan siya ng tingin. "A-anong ginagawa mo rito?" Matapang na tanong ko sa kaniya.
"I should be the one to ask that. What are doing here in this hospital?" Seryosong tanong niya sa akin habang pinagmamasdan ang aking katawan. I wanted to laugh sarcastically but I refused to do it. You all put me in this kind of place, you put me in this situation. Bakit ka pa nagtatanong?
"Umalis ka na lang, Jaxon. Gusto ko ng magpahinga." Sabi ko sa kaniya. Iniiwasan ko lang talaga ang mga bagay na gusto niyang pag-usapan ngayon. He's mad right now and I purely know that he'll scold me for the things I did. Kahit isang hibla man lang ng buhok niya ay hindi gumalaw.
"I will not leave this fucking place, not unless you'll come with me. Everybody's worrying about you." Walang emosyon sabi niya sa akin. I stared at his eyes coldly. Nag-aalala pa pala sila? Matapos nila akong ganituhin? Matapos nila akong durugin ng paulit-ulit, may gana pa pala silang mag-alala? Is that a joke?
"Hindi ako sasama sa 'yo, kahit na anong sabihin mo, Jaxon." Matalim ang titig ko sa kaniya habang sinasabi ko 'yon. Galit na lang ang nakatanim ngayon sa puso ko kaya hindi na ako naiiyak pa. "Umalis ka na hangga't nakakapagpigil pa ako." Pagbabanta ko sa kaniya. Oras na gumawa siya ng iskandalo rito, baka makalimutan kong kadugo ko siya.
"Alam mo ba kung ganaano ang pag-aalala ng mga magulang natin ngayon ha?!" Panunumbat niya sa akin. Dahil nakatayo siya sa harapan ko ay mapatingala ako sa kaniya. "Ilang araw na silang walang tulog kakaisip sa 'yo! Kakahanap at kakahintay kung kailan ka babalik!" Nagulat ako sa paglakas ng boses niya. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit... ako ang sinisisi nila?
"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" Masakit para sa akin na itanong sa kaniya ang mga salitang iyon. "Kasi tangina pagod na pagod na ako sa inyo! Ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit sila nag-aalala? Dahil pasaway ako?! Tangina mo pala! Huwag na huwag mo akong pagsasabihan ng ganiyan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon! Wala ka sitwasyon ko, Jaxon!" Sigaw ko sa kaniya, kinuyom ko ang aking mga palad dahil kahit ano ang gawin kong pagpipigil, tumulo pa rin ang mga luha ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
