Chapter 167

9 2 0
                                        

Aasa ka pa?

HEIRA'S POV

"Ah... aswang!"

Lumabas ako ng bahay na gano'n ang suot ko. Nagtsinelas lang ako at panay ang tingin ko sa likod. Baka bigla na lang may manghablot sa kumot. Hindi lang 'to basta kumot, comforter 'to, ang bigat e. Muntik pa 'kong mahulog sa hagdan kakamadali ko.

Natanawan ko 'yung iba sa may ilalim ng puno. Medyo may distansya 'yon sa bahay, baka raw masunog dahil sa bonfire. Pero naisipan kong bumalik ng kwarto. 'Yung mga chitchirya at chocolates, nando'n pa sa dala kong gamit, baka makauwi na kami hindi pa nakakain ang mga 'yon.

Luminga-linga muna ako sa paligid, tinitignan kung nasa'n si Kulapo. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Clear, walang tao. Tumakbo ako paakyat, hingal na hingal nga ako pagkapunta ko ng kwarto. Ilang beses na ba akong bumalik sa silid na 'to? Palagi naman kasi akong pinapalabas e.

Buti na lang nasa cabinet pa 'yung lalagyan nung mga dinala kong pagkain. Hindi ko na sinilip 'yon dahil alam kong akin 'yon, stitch kasi ang disenyo no'n tapos may nakalagay na H.Y.S. Isinakbit ko 'yon sa braso ko tsaka lumabas na ulit. Gamit ang dalawang kamay ko, hinahawakan ko ang kumot.

Tatlong baitang na lang sana e. Pero, lumulugay pala ang kumot kaya naman natapakan ko 'yon. Nauna ang katawan ko sa hakbang ng mga paa ko kaya tuloy-tuloy akong nahulog pababa, dumikit ang pisngi ko sa sahig. Tumakip sa ulo ko ang kumot.

"Ang sakit no'n..." Bulong ko sa sarili ko, huminga ako ng malalim bago tumayo.

Inayos ko ang sarili ko at naglakad na parang walang nangyari. Ayos lang 'yan, Heira, hindi ka naman tanga, aksidente lang 'yon. Pisti kasi 'tong kumot na 'to, pahamak. Kung sa 'kin lang 'to, baka mapunit ko na hanggang sa magkapira-piraso na.

"Woooh! 'Di na mauulit. Hindi na."

Naglakad ako ng mas mahinahon. Kanina pa kasi ako takbo ng takbo, napapagod na rin ako at ang mga paa ko. Bakit ba kinakakabahan ako? Pwede namang chill and relax lang. Normal lang ang mga nangyayari, maliban sa mga kamalasan— Aaaaah

Nakalimutan kong may hagdanan pa palang bababaan sa terrace ng bahay. Hindi kasi ako nakatingin sa mga hinahakbangan ko. Nakatingin ako sa mga dala ko, sana lang kasya 'to sa 'min. Kung kukulangin, pagkasyahin na lang. Unahan na lang para walang gulo.

Alanganin ang naging mga paghakbang ko kaya ayun, tuloy-tuloy akong nahulog at nadapa sa buhangin. Parang malas ang bakasyon ko ngayon ah. Tatlong beses na 'kong nadapa. May narinig akong pagtawa. Tumingin ako sa gilid ko. Ro'n ko nakita si Adriel. Nagyoyosi at tumatawa ng bahagya.

Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang pinagtatawanan niya, nasa harap kasi ang tingin niya ngayon. Tumayo ako, alangang magdamag akong nakadapa ro'n. Pinagpagan ko na rin ang suot ko, buti na lang at hindi na dumidikit ang buhangin. Hahakbang na sana ako dahil mukhang hindi niya naman ako napansin nang magsalita siya.

"I saw that but I'll keep it a secret."

"Nakita mo pala?" Nakasimangot na sabi ko. "Ang pangit ng hagdan na 'to, bigla na lang nandadapa." Paninisi ko.

Tanga kasi 'yung hagdan, hindi nag-adjust para sa 'kin.

"Bakit ba kasi ganiyan ang itsura mo? Where did you get that blanket?"

"Sa kwarto. Nawawala 'yung mga damit ko e." Sabi ko.

"Nawawala? Bakit hindi mo hanapin?"

"Hinanap ko na pero wala talaga. Baka nand'yan lang 'yon, bukas na lang."

"Tsh. Wala ka talagang sinop sa mga gamit mo." Aniya tsaka tinapon ang yosi'ng hawak.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now