Chapter 218

7 0 0
                                        

I'll be gentle

HEIRA'S POV

"Aray, masakit. Dahan-dahan lang."

Napapangiwi na lang ako sa tuwing dadampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko. Hindi na ako nagpadala sa clinic ngayon dahil hindi naman gano'n kalalim ang sugat ko, isa pa, sayang lang sa oras kung nagpupunta pa kami ro'n.

Pinauna na namin silang kumain para makaligo na sila at makapagpalit na ng damit. May susuotin kasi kami kapag sumayaw kami para maganda raw ang performance namin.

Loose leggings lang 'yon at kulay black na damit, iba't ang design no'n, hindi na kami nagpagawa dahil sayang lang sa pera 'yun. Ayos na 'yung porma namin, parang mga hip-hoppers na talaga kami.

Pinapausot pa sa 'kin ni mommy 'yung binili niyang hikaw sa 'kin. Suot ko raw 'yon para naman magandang tignan. Ayaw ko mang gawin pero gusto niyang magpadala akong ng picture sa kaniya.

'Yon kasi ang binili niya nung mga araw na bagong dating lang si daddy sa 'min, 'yung sa kaniya nasusuot niya na, 'yung sa 'kin hindi pa, ayaw ko e.

—FLASHBACK—

"Gusto mo ba 'yan? Bilhin na natin, tara na." Hinila ako ni mommy pero hindi ko nagpatianod.

No. "Hindi po, mommy. Pinasukat lang sa 'kin ni Kio 'to. Alam niyo naman pong hindi ako nagsusuot ng ganito." Sumimangot ako.

"Bakit mo naman pinasukat sa kaniya iyon, hijo?"

"Nothing po." Bumaling sa 'kin si Kio. "Tanggalin mo na 'yan tapos dalhin mo na sa counter." Aniya tsaka umalis na.

"Look, 'nak. Bilhin natin 'to para parehas tayo. Matchy-matchy." Iwinagaygay pa ni mommy sa ere ang dalawang pares ng hikaw.

Gold 'yon na may parang design na bulaklak na kulay na pula. Palagi naman akong binibilhan ni mommy ng gan'yan pero tanging mga kwintas lang ang sinusuot ko. Parang sumasakit kasi ang tenga ko kapag nagsusuot ako ng gano'n.

Pabagsak kong binitawan ang mga hawak ko sa counter at sinandal ang ulo ko sa mga 'yon. Para akong nakahiga, bahala na 'yung nakakakita, bakit sila ba ang nagbibitbit ng sandamakdak na damit na 'to?

—END OF FLASHBACK—

Speaking of binilhan. Si Tiana ang binilhan ni Kio ng gano'n, nagkikita pa rin kaya silang dalawa? Mukhang natamaan ng matindi ang kapatid ko sa kaniya, buti pa siya binilhan ng damit, ako hindi.

Nakakasama ng loob.

Ang tagal ko na ring hindi nakikita si Tiana. Huli ko siyang nakita nung pumunta kami sa kanila. Hindi na kami ulit nagpunta no'n doon. Hintayin ko na lang ulit mag-aya si daddy.

Nililinisan ni Asher ang sugat ko. Siya kasi ang may hawak ng first aid kit. Gusto nga ni Adriel na siya na lang daw ang manggamot sa sugat ko pero umiling ako.

Kailangan niya na kasing mag-ayos. Sila pa naman ang mauuna bago kami. Dalawa ang performance nila. Kasama rin naman si Asher pero nagpumilit siyang linisin ang sugat ko. Kaya ko naman, hindi naman ako naputulan ng kamay e.

Kanina pa sumasama ang mukha ko dahil sa hapdi ng alcohol tapos minsan nadidiinan ang bulak kaya naman nahahampas ko siya ng wala sa oras. Parang nakukuryente ako e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now