Chapter 217

8 0 0
                                        

Bloody jaw

HEIRA'S POV

"Yakie, gising na. Kakain na raw."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa pangigising sa 'kin ni Kenji sa 'kin. Tumama ang mga 'yon sa bintana, tirik na ang araw, anong oras na ba at bakit hindi ako maagang nagising ngayong araw?

Anong pwedeng gawin kaya ngayon? Siguro nag-uumipisa na 'yung program, kailangan ng tapusin ang lahat, bukas ata sasabihin ang mga nanalo sa mga contest.

Sana lang manalo kami kahit iilan lang para may magandang bunga ang mga paghihirap at pagod namin. Mamayang alas nuwebe pa ang laban namin, 'yon ang sinabi sa 'min ni Sir Almineo kagabi.

Umupo ako at inayos ang buhok ko. Sinuklayan ko 'yon gamit ang mga daliri ko, nakasimangot pa rin ako dahil bagong gising lang. Ayaw kong magsalita, baka hintayin ng wala sa oras si Kenji kapag ginawa ko 'yon. Kawawa naman ang ilong niya.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang kapatid ko. Nakarating na kaya sila? Nakabalik ba sila kagabi? Bakit ko ba sila hinahanap ko?

Pakialam ko ba kung saan sila natulog kagabi, kahit na humiga pa sila sa ilalim ng ulam wala akong pakialam. Syempre charot lang, kapatid ko pa rin siya.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko para ilabas ang toothbrush ko. Pinusuran ko lang ang buhok ko bago ako kumuha ng isang basong tubig para magmumumog saglit. Wala talaga silang dalawa kahit saan ako tumingin.

'Yung iba nasa labas naghahanda ng almusal namin. Hati-hati nananaman kami neto. Maganda kung magboboodle fight na lang kami. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas syete y media na pala. Kakain pa kami tapos maliligo.

Nagmadali akong lumabas at pumunta sa cr. Nakalock ang banyo na malapit sa 'min kaya naman wala akong choice kung hindi pumunta sa banyo kung saan palagi akong nakakarinig ako ng sigaw at kalabog.

Wala namang multo ro'n, tao talaga ang mga 'yon, malakas lang talaga ang boses nila. Pumasok ako sa banyo at ilang beses na naghilamos. Maaga akong nakatulog pero panay naman ang paglingat ko at hinahanap ang presensya ng kapatid ko.

Ito ngayon ang bunga no'n. Namamaga ang mga mata ko at inaantok ako. Ilang beses ang nagbasa ng mukha at tinignan ang itsura ko sa salamin.

Ayos pa naman, mukha pa naman akong tao kahit na magulo ang buhok ko. Huminga ako ng malalim, buti na lang walang tao rito sa may salamin, nasa mga cubicle sila.

Ang ganda ng banyo rito, may mga shower. Bongga pero walang sapat na pondo para sa pagkain. Wala ring pampagawa ng electric fan. Paypay-paypay na lang kapag mainit.

Wow.

Bumuga ako sa hangin habang tinitignan ang sarili ko. Hindi naman ako mukhang lalaki ah, bakit sabi nila parang lalaki raw ako? Maayos naman ang lakad ko, lakad naghahamon ng away sa kanto.

Natawa ako sa sarili ko. Nagsepilyo na lang ako ng ngipin ko. Baka mamaya babalik na 'yung dalawang 'yon. Siguro natulog sila sa room ni Zoe. Ano na kaya ang lagay nung babaeng 'yun? Ayos na kaya siya? Puntahan ko na kaya?

Sa lagitnaan ng pagsesepilyo ko ay may pumasok na grupo ng babae at lalaki sa loob ng banyo. Napatingin agad ako sa kanila. Hindi na ako nagtaka kung bakit sinalubong nila ako ng masamang tingin. Nagmumog agad ako para iwasan ang gulo.

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang damit ko at hinugasan ang toothbrush ko. Akmang lalagpasan ko na sina Queen Bobowyowg ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Napapikit ako, king ina, hahawak na lang bumabaon pa ang mga kuko niya niya sa balat ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora