Chapter 238

3 0 0
                                        

Mango graham cake

HEIRA'S POV

"H-hey... I'm sorry." Binuksan ko ang isang mata ko, 'yung isa ay nakapikit pa rin.

"Adi?" Tanong ko sa kaniya, mas lalong dumikit ang katawan at ulo ko sa pader ng makitang sobrang lapit niya sa 'kin, ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya.

Wala namang tao sa loob ng banyo, kami lang. Napalunok ako, sinenyasan niya akong tumahimik gamit ang hintuturo niya, tumango na lang ako sa kaniya.

"May susunod sa 'tin... sayo."

Kita ko kung paano dumilim ang mga mata niya pero malambot pa rin ang itsura at ekspresyon ng mukha niya. Napapikit ako ng mariin. Bumilis ang paghinga ko, sabi na e. Kahina-hinala talaga ang mga tao kanina.

Halos mawala ang kaluluwa ko kanina dahil sa paghila niya sa 'kin, ngayon naman ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Adi ngayon. Mabutu pala at nahila niya agad ako, baka masundan na talaga ako nung misteryosong tao na 'yon.

Nabuhay ang galit ko sa katawan dahil sa taong 'yon. Nakakaasar siya. Hanggang dito ba naman kailangan niya akong sundan?

Hello? Konti na lang pala pasukin niya na ako sa loob ng banyo. Baka masipa ko na lang ang ngala-ngala niya kapag ginawa niya 'yon.

Binuksan ko ang mga mata ko, agad na tumama 'yon kay Adi. Bumilis ang tibok ng puso ko at mariing napunok ng ibaba niya ang tingin niya sa labi ko. I tried to push him pero masyado na siyang malakas ang pwersa. Tangina...

Bago ko pa siya mapigilan, naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa labi ko. Ilang segundo rin 'yon pero nanatili akong naninigas sa kinatatayuan ko.

Alam kong ayaw ko 'yon pero napapikit na lang ako ng igalaw niya ang labi niya, hindi ko pa rin 'yon tinugon. Hindi ito ang gusto ko. Putangina, hindi siya ang gusto ko.

Nang bitawan niya ang labi ko ay parehas kaming naghahabol ng hininga. Lumayo siya sa 'kin, madilim pa rin ang mga mata niya, nagtiim ang bagang niya. Hindi ko malabanan ang mga titig niya kaya ako na rin ang unang bumigas.

Sumagi si Kayden sa isipan ko, paano kung nalaman niya 'to? Malamang magagalit siya sa 'kin lalo pa ngayon na kaibigan niya pa ang gumawa no'n. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko t napapikit ng mariin. Hindi naman kami pero bakit pakiramdam ko ay niloloko ko lang siya?

Sinabi ko sa kaniya na gusto ko siya pero heto, hinayaan ko si Adi na halikan niya ako. Ang tanga-tanga ko, tangina. Nakakaimbyerna ang lahat. Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Adi.

Parang nakokonsenya ang mga mata niya pero kinagat niya ang labi niya na para bang pinipigilan ang paglabas ng ngiti sa mukha niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Umayos ako ng tayo at inayos ang suot ko. Siya naman ay naupo na lang sa isang maliit na upuan doon. Nilagay niya ang mga siko niya sa tuhod niya at ginulo ang buhok niya, napahilamos siya ng mukha gamit ang palad niya.

"Hoy." Tawag ko sa kaniya.

Inalis ko muna ang tumatakbo ngayon sa sa isip ko, ang mahalaga ay makalabas kami ngayon sa loob ng banyo na hindi kami nasusundan ng misteryosong tao na 'yon. Mag-uumpisa na ang klase, mayayari kami kay Sir 'You' nito e.

Bakas sa mukha niya ang pagkalito ng tignan niya ako. Nagkibit balikat ako at nginuso ang pinto para sabihing tignan niya kung nandoon pa ba 'yung lalaki. Mukhang nakuha niya naman 'yo dahil tumayo siya at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi ako pwedeng matakot ngayon. Kailangan naming makalabas na. Ayaw ko namang mag-stay dito ng buong araw ah. Bahagya lang ang ginawa niyang pagbukas, parang may sinisipat-sipat lang siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now