Aiden's problem
HEIRA'S POV
"Anong gusto mong kape?"
Nandito kami ngayon sa coffee shop sa malapit sa university namin. Dito na lang kami pumunta dahil bukod sa mura lang, maaliwalas pa dahil open space siya. Hindi maalinsangan.
Ito 'yung sinasabi niya sa 'kin kahapon na ililibre ko raw siya ng kape kapag naitaas niya ulit ako. Kaya heto kami ngayon, tinakasan nga lang namin si Kenji pati na rin si Kenji.
Para kaming mga mandurugas dahil lakad, takbo, tago ang ginawa namin para lang makaalis kami ng hindi nakikita ng mga hudlong. Ihahatid na lang daw ako mamaya ni Asher pauwi.
Tinext ko lang si Kio na kasama ko si Asher, mukha wala naman siyang pakialam dahil hindi niya man lang ako nireplyan. Galit pa rin siguro siya sa kin. Umupo ako sa isang upuan.
Huminga ako ng malalim. Napapansin ko lang noong nakaraang araw na parang nagbabago na si Kio. Ang daming nagbabago sa kaniya ngayon, pa'no pa kaya sa mga susunod na araw pa kaya?
'Yung dating Kio na palagi kong kasundo sa lahat ng bagay ngayon napalitan na ng Kio na halos kaaway ko na araw-araw. 'Yung dating Kio na palagi kong kachismisan napalitan na ngayon ng Kio na halos buong araw na akong hindi kinakausap.
Si Kio na palaging nag-aalala sa 'kin na para bang kuya ko siya parang nawawala na. Si Kio na palaging nandiyan sa tabi ko... hindi 'yung Kio na palagi akong iniiwan sa isang lugar.
Alam ko naman na matanda na rin naman kami ngayon. May sarili na siyang pag-iisip, may sarili na siyang buhay na ginagalawan. May sarili siyang mundo... gaya ko, may mga kaibigan din naman siyang kinikita.
Hindi ko lang maiwasang manibago ngayon. Kasi noong nasa New York siya, ang ayos naman ng lahat, kahit hindi naman kami nagkikita, nakakapag-usap pa rin naman kami kahit papaano.
Nasasabi niya pa rin sa 'kin ang mga nangyayari sa buhay niya, hindi tulad ngayon na parang hindi ko na siya kilala pa dahil ang dami niya ng tinatago sa 'kin, parang nakakalimutan niya na may kapatid siya.
Natawa ako ng sarkastiko. Oo nga pala, hindi nga pala niya ako totoong kapatid pero bakit gano'n... nagbago na ba siya kasi nakita niya na ang totoo niyang pamilya?
Hindi ba niya naiisip 'yung mga pinagsamahan namin magmula noong mga bata pa kami. Mula pagkapanganak magkasama na kami, naghiwalay lang naman kami noong pumunta sila ng New York ni daddy.
Hindi ko maiwasang maisip, kung nando'n pa rin si Kio sa New York, siguro hanggang ngayon ayos pa rin kami. Hanggang ngayon nag-uusap pa rin kami ng maayos.
Siguro sinasabi niya pa rin sa 'kin ang lahat ng nangyayari sa buhay niya, siguro nakakachismisan ko pa rin siya. Siguro palagi niya pa rin akong inaalala at tinatanong kung umuwi na ba ako, kung ayos lang ba ako, kung kasama ko ba si mommy.
Kung nasa New York pa rin siguro siya, baka miss ko lang siya dahil malayo siya at hindi namin nakikita. Hindi 'yung nandito siya pero miss ko pa rin siya dahil sa bahay lang kami nagkikita.
"Hey... are you okay? Ayaw mo ba rito sa lugar na 'to? We can move to other place." Lumingon ako sa nagsalita.
Umiling ako agad. Binalik ko ang mga ngiti ko sa labi ko. Nagthumbs up lang ako sa kaniya para sabihing ayos lang ako. Baka akala niya ayaw ko rito. Ang ganda na kaya rito pero mas maganda pa rin sa park.
"I asked you."
"Ha?"
"I'm asking you what kind of coffee you want to drink."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
