Tuesday
HEIRA'S POV
"Sa 'kin na kasi 'yang sibuyas, igigisa na e!"
Nagkakagulo ang mga hudlong dito sa labas ngayon dahil nagluluto sina Trina at Jharylle ng almusal namin. Hindi nga nila alam kung anong uunahin dahil may nanggugulo sa kanila, ayaw silang patahimikin lalo na si Kenji na ginawang pang-ritwal 'yung malunggay.
Kanina pa ako humahalakhak habang pinapanood ko sila. Kapalpakan ang alam, ayaw nila akong palapitin dahil pinagbantaan na ako ni Kio, baka raw masunog ko ang buong university kapag ako ang nagluto. Hindi ko naman sinasadyang hindi malagyan ng asin 'yung itlog dati e, hindi ko rin sinasadya na malakasan 'yung apoy.
Ayon, sunog.
Kanina pa nila sinusubukang buksan 'yung kalan pero walang lumalabas na apoy. Pinagtitripan sila ni Adriel. Walang laman 'yung butane na nilagay nila, hawak niya 'yung mga bago, hayaan ko raw silang mapagod kakahanap ng pwedeng ilagay para maluto ang pagkain namin.
Kapag ako nagutom niyan, siya ang sisihin ko. Ako lang kasi ang nakahalata sa kaniya na tinatago niya sa bag niya ang mga butane. Mama niya na lang daw ilalabas tapos nilayo niya 'yon sa 'min, baka sumabog daw. Ayaw ko namang maging choocks-to-go rito ng wala sa oras.
Matigas na nga ako tapos tutustahin niya pa ako. May kapalit namn ang hindi ko pagsasalita at pagsusumbong sa mga hudlong. Ililibre niya raw ako kapag walang nalutong pagkain ang mga kasama namin. O 'diba, ang sama talaga ng ugali niya kahit kailan, may tinatago rin palang kalokohan ang kumag na 'to.
Wala pang bumabati sa 'kin ngayon, maging si Kio pati na rin si Eiya, wala rin naman akong inaasahang bati mula sa iba ngayon. Mas gusto ko nga 'yon kaysa naman sa panay ang pagbati nila sa 'kin maya't-maya. Ayos na 'to para hindi ko dama ang pagtanda ko.
Tumunog ang cellphone ko, nasa tapat kasi ako ng pinto at dito nakaupo kaya nga sa kabilang pintuan sila dumaraan dahil sabi ko may bayad n limang piso ang dadaan dito. Kaya ayon, ayaw gumastos ng mga hudlong. Parang limang piso lang e, pwede ng ipambili ng lollipop.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino man ang nagtext na 'yon. Napangiti ako ng mabasa ang text nina mommy at daddy, sila ang unang bumati sa 'kin. Inayos ko na ang pangalan nila sa contacts ko para naman magandang basahin ang mga 'yon.
From: Mommy
Message: Happy Birthday to my best enemy, I'm wishing you nothing but all the best today and in the year ahead, 'nak. a I hope you fulfill your dreams in life and I hope you continue to be a strong girl, Heira. Ingat ka palagi, mahal ka ni mommy!
From: Daddy
Message: My princess, you turned 18 today. I wish you a birthday that is as beautiful, unbelievable, and best as you are. You have turned out to be such an intelligent, kind, and soft hearted person who has so much going for them in life. Happy birthday, my princess. Daddy is always here to support you and to love you.
From: Mommy
Message: 'Nak, uwi ka na rin agad ah! Isecelebrate natin ang 18th birthday mo! Hindi pwedeng mawala 'yon, ikaw kasi ang kulit mo, dapat hindi ka na pumunta sa foundation day niyo, rito na lang sana kayo sa bahay at gawin natin ang birthday mo. Pero iyon ang desisyon mo, tatanggapin ko. Ingat ka r'yan, kwentuhan mo ako, mahal ka ni mommy!
Oo nga naman, bakit ba kasi nandito ako ngayon at kasama ang mga hudlong imbis na nasa bahay lang ako at pinagdiriwang ang birthday ko. Debut ko pa naman ngayon pero nandito ako at nakikigulo sa mga hudlong na 'to.
Napangiti ako. Mas masaya naman din silang kasama kahit na wala ng party basta sama-sama kami, ayos lang. Kahit hindi nila alam na birthday ko ngayon, ayos lang. Ang mahalaga nito, magbunga ng maganda ang mga nakakapagos naming practice.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
