Chapter 246

4 0 0
                                        

Warning : Sensitive and harsh full words

--

"Yakie... Tama na! Huwag niyo na siyang saktan pa!"

Kenji cried while watching my body beaten up with wood by this men. Iyon ang bumungad sa akin sa isang umaga. I woke up because of the laughs and the pain I felt. Ilang araw na kaming narito pero wala pa rin kaming nakikitang pag-asa na mayroong tutulong sa amin. Nanghihina na ako dahil parang katuwaan pa nila na nasasaktan ako.

"Ano?! Malakas ka? Wala ka ng laban ngayon!" They laughed again. Ang dugo ay nalalasahan ko na. Ilang beses nila akong sinikmuraan. Kaya ko ba 'to? Kaya ko pa bang tiisin?

Nakatulog kami kanina noong umalis ang mga amo nila. They treated us like a punching bag. Lahat ng para kay Kenji ay sinasalo ko. Kasi bakit naman siya masasaktan kung dahil din naman sa akin 'yon? Wala siya dapat dito, hindi dapat siya nasasaktan kung hindi ko lang pinasok ang gulo na ito. Kaya kong tiisin at huwag indahin lahat ng sakit basta huwag lang nilang sasaktan si Kenji. Hindi siya pwedeng magalusan o magkapasa man lang.

I know that he's a brave and a hard boy. But... he's still a boy, he's not a man that have been grown up. Dapat nga ay naglalaro pa lang siya ngayon, hindi 'yung mga suntok at sipa ang mga pinaglalaruan niya. He supposed to enjoy his life... being a little boy dahil ilang taon na lang ay magiging kagaya na rin siya kami. Kung saan iindahin lahat namin ang mga problema dahil may kani-kaniya na kaming mga responsibilities na dapat gampanin.

Tiis lang, Kenji. Kaya ko pa. Makakaalis din tayo rito. Wala ng makakapanakit pa sa atin dahil pagkatapos nito ay hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit ang lahat ng ito. Never again in this situation. Pinapangako ko 'yan pero... hindi ko rin masasabing kaya kong tuparin dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa natatapos ang mga problema na haharapin ko. I need to do everything just to survive this kind of pain.

Kaunting sugat at mga bugbog lang naman ito. Huhupa at hihilom din ang mga ito sa mga gamot. Hindi katulad ng galit ng mga taong hindi ko kilala pero nagawa ko ng masama — hindi naghihilom ang mga sugat na binigay ko sa kanila noon kaya hangang ngayon ay iniinda nila iyon. Galit at puot... panggagaliiti, ano pa? Kaya kong kunin at akuin lahat ng mga galit nila sa akin basta walang taong madadamay pa.

Hinampas nila ako sa iba't ibang parte ng katawan ko hanggang sa manghina ako. Mula braso, kamay, binti, dibdib at ang tiyan ko. Pati sikmura at likod ko ay natamaan din ng tubo. Pakiramdam ko ay paunti-unti nila akong pinapatay dahil sa ginagawa nila ngayon. Ang dugo ay bumubulwak at lumalabas sa aking bibig at ilong. Masakit ang buong katawan ko... kung ito ang kapalit ng lahat ng mga ginawa ko noon... kaya na ba nila akong patawarin? Kaya na ba nilang kalimutan lahat ng mga ginawa ko noon sa kanila?

Napapikit ako ng mariin. Kung hanggang dito na lang ako, tatanggapin ko basta... makatakas lang si Kenji ay ayos na ako. Huwag lang nilang saktan ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay... manghina rin. Wala na akong nakikitang pag-asa pa para malusutan ang lahat ng ito. Sana ay maging ayos na ang lahat pagkatapos nito.

"Pakiusap... tama na..." I cried. Napayuko na lang ang aking ulo. Wala na akong lakas pa para iangat ang kahit na anong parte ng aking katawan. I almost beg to them to stop this shit... sana ay marinig nila ang pagsusumamo ko. "Huwag... tama na... hindi ko na kaya." Tuluyan ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Naghalo-halo na ang pawis, dugo at ang luha ko. Hindi ko inaakalang darating ako sa sitwasyon na ito. Ni hindi ko man lang nakita ang sarili ko noon na halos bumigay na dahil lang sa mga suntok, sipa, hampas, sabunot at mga sapak. Noon ay akala kong kaya ko na ang lahat. Akala ko ay malalampasan ko na ang lahat... hindi pa pala.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now