New life
HEIRA'S POV
"Sigurado ka na bang gusto mo ng magpadischarge? Oo nga at sinabi ng doctor na ayos ka na at pwede ka ng umuwi pero ayos na ba talaga ang kalagayan mo?"
Hawak ko ang dextrose stand ko habang nakatayo at inilalagay sa bag ko ang iilang damit na ginamit ko noong mga nakaraang araw. Nagpunta kanina si Jaxon dito, kinakamusta ang kalagayan ko. Buti nga at hindi niya kasama ang mga magulang namin, siguro busy sila kaya hindi nila ako binisita. Hindi na rin naman ako umasa pang pupuntahan nila ako rito.
Sinabi ng doctor ko na pwede na akong lumabas pero pwede rin naman daw akong manatili pa rito lalo na kung iniinda ko pa rin ang braso kong nakasemento. But in the end, I decided to go home today. Masyado na akong nagiging pabigat kay Axl ngayon, walang gabi na hindi niya ako sinamahan dito. Naaawa na rin ako sa kaniya dahil sa sofa lang siya natutulog, napupuyat din siya minsan dahil mayroon siyang kailangang aralin, maliit lang ang space rito kaya alam kong pahirapan para sa kaniya.
Isa pa, tumataas ang bill ko kapag nanatili pa ako rito. Wala akong pambayad, si Axl na ang nagprisintang magbabayad ng mga gamot at hospital bill ko, tumanggi ako noong una ngunit nakipagmatigaasan siya. Sinabi ko na lang sa kaniya na babayaran ko rin at ibabalik ko sa kaniya lahat ng ginastos niya kapag mayroon na akong sapat na pera. Ang laki ng naitulong niya sa akin.
Hindi lang niya pinagaling ang mga sugat ko. Binigyan niya pa ako ng pagkakataong mabuhay pa ng mas matagal. I am thankful that I have a friend like him. Hindi ko man kailangan ng taong mananatili sa tabi ko... siya naman itong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Ganoon din ang Mommy niya na palagi akong kinakamusta at pinapadalhan ng pagkain. Parang nakahanap sila ng isang batang kukupkupin. Nakakahiya na.
Lunes na bukas at may pasok pa ako. Kung hindi pa ako mag-aaral bukas ay baka tuluyan na akong bumagsak at bumalik sa grade 11. Siguro naman ay kaya ko na silang harapin ngayon. Hindi naman para sa kanila ang gagawin ko, para 'to sa sarili ko. Kahit ngayon lang ay gusto ko munang ilagay sa tama ang sarili ko. Gusto ko munang mahalin ang sarili ko bago ko mahalin ang iba. Kasi, ayaw ko ng mangyari ang nangyari noon, minahal ko sila kaysa sa sarili pero sa huli... ako rin naman itong naubos.
Gaya ng sinabi ko, it takes time to heal. Siguro nga ay mahirap para sa akin na tanggapin ang lahat pero susubukan kong intindihin sila. Nakakatawa lang dahil ako na itong nasaktan, ako pa itong kailangang umintindi para umayos ang sitwasyon namin. Masakit para sa akin ang mga rebelasyon na binigay nila sa akin, sinabay pa nila ito sa personal na problema ko... sa kaguluhan na nangyayari sa pamilya ko.
I thought, they'll be the one I can lean on in my hard time but it turns out that they became the one who pushed me down.
Ngumiti ako kay Axl. Bakit ayaw akong paalisin ng lalaking ito sa hospital? Gusto ba niyang buong buwan akong mamalagi rito? Nakakasakit kaya ng ulo ang amoy ng gamot tapos mayroon pa akong swero, ang hirap kumilos kapag marami ang nakaharang. Sinara ko ang bag ko, laman nito ang mga damit na binigay sa akin ng isa pang kapatid niya, gusto ko sanang isauli pero tumanggi siya. Bumisita na rin sa akin ang babae, at masasabi kong may lahi sila ng pagiging mabait at madaldal.
"Bakit? Mamimiss mo ba akong bantayan kapag tulog ako kaya ayaw mo akong umalis dito?" Pang-aasar ko sa kaniya. Kita ko naman ang pagkalukot ng kaniyang mukha saka niya ako inirapan. Suldutin ko mga mata mong 'yan e. Ako naman ang napangisi, nakaganti rin ako sa kaniya... sa wakas.
"Ang taas naman ng kumpyansa mo sa sarili mo, Heira. Nahospital ka lang..." Pabitin na sabi niya, magsasalita na sana ako ngunit inunahan niya na agad ako. "Pero sabagay, mamimiss nga talaga kita. Hindi na ako makakatakas ng bahay niyan, ikaw palagi ang dinadahilan ko e." Aniya, napapakamot ulo pa.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
