Chapter 176

17 2 0
                                        

Set up

HEIRA'S POV

"Let's buy this, I will pay for it, don't worry."

Nilibot namin ang buong bayan, ang babait pala ng mga tao rito kahit pa medyo hindi namin naiintindihan ang mga salitang ginagamit nila. Pala-ngiti sila at halos matatanda na.

Kapag nga mga sinasabi sila na hindi namin maintindihan, tumatkbo kami kay Elijah at pinapa-translate namin sa kaniya. Kung magtagalog man sila pinapahaba naman nila ang huling tunog no'n.

Ala eh...

Pumasok din kami sa tindahan ng mga ref magnets at mga maliliit na bagay na iniukit mula sa kahoy. Binili ko ng limang gano'n si mommy. Bumili na rin ako nung pwedeng ilagay na keychain sa wallet at bag ko.

Kumain din kami sa isang karinderya, ang daming bumibili, muntikan na nga kaming paalisin dahil ang ingay nitong mga kasama namin. Sulit naman ang paghihintay dahil sa sarap ng pagkain.

Binebentahan nga kami nung mga parang palasong. Nakalimutan ko lang ang pangalan pero parang kutsilyo siyang di tupi, pero hindi kami bumili, baka pagkamalan pa kaming mga hold-upper kapag nagkataon.

Delikado pa rin 'yun, gusto ngang bumili ni Kenji pero hindi namin siya pinayagan, baka totoohanin niya ang pagiging ninja niya, may pakutsilyo pa siya. Binuhat na nga namin siya palabas nung tindahan e.

Nagsisisigaw siya at pumapadyak pa habang buhat siya nung mga hudlong, kami naman nung mga babaita, tinakpan na lang namin ang mga mukha namin para pagtakpan ang kahihiyan na ginagawa nitong hapon na 'to.

Hindi po namin 'yan kilala, naligaw lang po siya...

Ngayon, nandito kami sa labas kung saan may stall na nagtitinda ng mga maliliit na bagay, sari-saring mga keychains. Pinapahanap kami ni Alzhane ng isang magandang design tapos dapat pare-pareho kaming mero'ng gano'n.

Napili namin 'yong parang lapis na may mukha. Hindi kami magkandaugaga sa paghahanap dahil dapat muna naming halukayin ang mga nakalatag, sama-sama kasi ang mga 'yon.

"Nakahanap na 'ko!" Masayang sabi ko, kanina pa kaya kami naghahanap dito! 'Yon ata ang mabenta kaya nagkakaubusan ng gano'n.

May tumulak sa 'kin kaya muntik pa akong masubsob sa mga nakalatag. Syempre sino pa? Si Kulapo, nasa likod ko, nakacross arm at parang inip na inip na. Sino ba kasing nagsabing sumama ka? Ngayon, humihikab-hikab ka r'yan.

"Inaano nananaman kita?" Nakasimangot na tanong ko sa kaniya, napahiya ako ro'n ah.

"Hanap mo rin ako."

"Ng alin."

"Ng alin nga ba?"

"Sabi ko nga."

Ay teka nga! Bakit ko ba sinusunod ang kumag na 'to? Kung pwede ko lang na ihagis ang lahat ng mga 'to sa pagmumukha niya ginawa ko na. Kinuyom ko ang palad ko at tinikom ang bibig ko, masasapak na kita hanggang mamaya.

Pero nakita ko na lang ang sarili ko na naghahanap ng keychain para sa kaniya. Kanina pa 'to e. Bago kami bumaba sa kaniya, sabi niya 'wag daw akong lalayo sa kaniya, ito raw 'yung unang araw na magiging 'alalay' niya 'ko.

Dapat magiging masaya 'to e! Panira ng araw ang animal. Magmula kanina, inuutusan niya na 'ko. Una, ako ang nagdala nung mga pinamili niyang mga delicacies, pangalawa, ako ang umubos sa pagkain niya nung kumain kami, sulit naman 'yon.

Pangatlo, ako ang ginawa niyang maniquin nung nasa clothes shop kami, kasing katawan ko lang daw ang papasalubungan niya. At pang-apat, heto. Hindi man lang ako makalayo ng tuluyan sa kaniya dahil bigla na lang siyang tatawag sa 'kin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon