Kidnapped
HEIRA'S POV
"Mauna na 'ko sa inyo!"
Nagpaalaman na kami habang nasa harap kami ng main gate. Gaya ng inaasahan namin, nasaraduhan na kami.
Buti na lang pala talaga at nailabas namin ang mga sasakyan namin bago kami pumunta ng park kanina. Hindi na namin kailangan pang magpasundo.
Wala si Kio kaya naman wala akong kasabay, buti na lang pala at nagbike ako papunta rito kung hindi baka makikisabay nananaman ako kay Eiya, nakakahiya naman 'yun.
Nagpaalam kasi siya kanina sa 'kin na may pupuntahan lang daw siya saglit pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Dala niya ang kotse niya kya sigurado akong may kalayuan ang pupuntahan niya.
Sa'n naman kaya nagpunta 'yun?
Malapit ng magtakip-silim dahil nawili kami sa paglalaro. Para kaming mga bata kanina, daig pa nga namin ang mga bata e.
Naagawan namin sila ng playground. Ngayon lang naman 'to kaya sinulit na namin ang pagkakataon. Dalawang oras din kami ro'n.
Nakitext na lang ako kay Eiya dahil wala naman akong load. Tinanong ko si Kio kung nasa'n na ba siya o nakauwi na ba siya.
Wala naman akong balak na hintayin pa siya rito hanggang mamaya, matanda na 'yun, alam niya na ang daan pauwi.
Hindi naman siya nagreply pero alam ko naman na narecieve niya ang text. Pinanood ko munang umalis ang lahat bago ako sumabay kay Kenji pauwi.
Malapit lang daw ang bahay niya rito kaya naman naglalakad na lang siya. Taliwas sa nakikita ko noon sa kaniya tuwing naglalakad siya. Ngayon, masaya siya at masigla hindi tulad kapag mag-isa siya, parang lantang gulay.
Binabagalan ko lang ang pagpedal ko. Gusto ko sana siyang iangkas pero hindi ako marunong ng gano'n tapos wala pang upuan sa may likod kaya hinayaan ko na lang siyang maglakad kaysa naman sumemplang kaming dalawa.
Habang naglalakad kami ay naalala ko 'yung mga nangyari kanina. Wala sa sariling napatawa na lang ako. Tinignan tuloy ako nitong kasabay ko.
Ewan ko ba, ilang araw na akong ganito, naaalala ko 'yung mga nangyari na tapos bigla akong napapangiti o kaya naman natatawa. Kaya nga pinagkakamalan akong baliw minsan e.
-FLASHBACK-
"Ako naman ang ibaba mo, ang daya mo ah!" Dinuro ko pa siya, nasa ere nananaman ako.
Kahit na tinataas baba ko ang pang-upo ko, lumulundag lang ako pero hindi ko napapagalaw ang swing. Ang bigat din pala niya.
"D'yan ka na lang." Natatawang sabi niya sa 'kin. "You're looks beautiful when the wind blows your hair..."
Tumingin ako sa ibaba kasi siya ang nasa ibaba e. Prenteng nakaupo at walang balak na ibaba ako para siya naman ang umangat. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sa mga sigawan ng mga bata sa paligid.
"Ano?! Pakiulit nga! Hindi ko kasi narinig!" Sigaw ko sa kaniya.
Bakit ba kasi ng taas ng seesaw na 'to? Nakakalula, ayaw ko na lang tumingin sa lupa, deretso kay Asher na. Tinatawanan niya lang ako tsaka umiling. Kumunot naman ang noo ko, ano kaya 'yung sinabi niya sa 'kin?
"Portami quaggiù!" Ayan, tignan natin kung maintindihan mo 'yan. Buti na lang at naalala ko ang mga sinabi sa 'kin ni Chadley sa 'kin. Sabi ko 'ibaba mo 'ko rito!'
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Genç KurguPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
