Lasing
HEIRA'S POV
"Have you taken the medicine he gave you?"
Nainip ako sa kwarto nami kanina, pinagbuntungan ko na nga ng inis 'yong mga unan at 'yung mga langgam do'n e. Konti na nga lang 'yung nakain ko dahil binigay nila sa 'kin sa umagang 'to ay sama ng loob. Nakakaasar kaya ang ginagawa nila.
Ayaw ko ngang lumabas kanina e. Iniisip ko lang kasi na baka makita ko ang mga gwapo pero panggagong mga mukha nila. Kumatok nga sina Trina pero hindi ko sila pinagbuksan. Pa'no ba naman kasi, kumakatok na nga lang tapos may kasama pa pagtawa.
Hindi ka pa nakakaget-over kay Mickey Mouse?
Kahit nga nasa loob na 'ko naririnig ko pa rin na ako ang pinag-uusapan nila tapos inuulit-ulit pa 'yung kanta ni Mickey Mouse tsaka 'yung "Alu-hawa-alilaluha!" Parang naiimagine ko tuloy ang sarili ko habang sinasabi 'yon. Kuhang-kuha pa nila 'yung boses ni Mickey Mouse, pero 'yung aso ang kamukha nila.
Weird.
Nung maramdaman kong hindi na nila ako pinag-uusapan pa. Lumabas ako ng kwarto na parang isang ninja. Nagpadausdos ako pababa ng hagdan at patalon na lumabas ng pinto. Tumalon na lang din ako sa hagdan, hindi ko na inintindi ang babagsakan kong lupa. Tapos nakita ko si Asher na nakaupo at nagpapahangin sa may dalampasigan.
Buti na lang hindi niya nakita ang mga ninja moves ko.
Mahirap na, baka gayahin pa niya. Nahawa na ata ako sa mga ginagawa ni Kenji. Buti nga hindi na siya kabute na palaging sumusulpot sa isang giilid. Lumapit ako kay Asher at kinalbit siya. Tumingin naman siya kaagad sa 'kin.
"Oh, kape nananaman ang hawak mo." Natatawang sabi ko.
"Of course. Umaga ngayon kaya ako nagkakape."
"Kahit naman hindi umaga may kape kang iniinom." Tugon ko. "Makikiupo ako ah." Sabi ko sa kaniya.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil umupo na ako sa tabi niya. Si Kio ang nagtanong sa 'kin kanina nung "Have you taken the medicine he gave you?" Syempre sabi ko oo kahit hindi naman. Wala namang tubig sa kwarto e. Alangang lulunukin ko ng manu-mano 'yon.
Nawala rin naman agad ang sakit no'n, humiga lang ako sa kama at pinaalis ang mga dapat na isipin at mga intindihin, parang tanga nga ako na nakatulala sa kisame at pinapanood ang mga kahoy.
"Kagabi, hindi ata kita nakitang uminom. Baka kape rin ang hawak mo ah?"
Tumawa siya. "No. Hindi naman ako gano'n ka-addict sa kape. I don't want to be acidic person. Hindi mo lang ako napansin dahil lasing ka na."
"Isa ka pa e. Pinaalala mo nananaman 'yan. Pwede bang tigilan na lang 'yan tapos dalhin na lang sa hukay ang mga nakita niyo?!"
"Okay, I see. Kakaiba ka pala malasing. You shouldn't drink a lot of alcohol."
"Oo nga. Konti lang ang ininom ko kagabi e pero nalasing ako."
"Low alcohol tolerance. Ilang lata ba ang nainom mo?"
"Mga pito."
"Seven?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Pitong lata. Seven. In-english mo lang e. Ang konti lang nun." Nakasimangot na sabi ko.
"Kaya pala nalasing ka e."
"Bakit? Ilan lang naman 'yun. Ang sarap no'n, parang juice lang dahil walang pait tapos may tama pala 'yun."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
