Church
HEIRA'S POV
"Hay... buhay!"
Nakahilata na 'ko ngayon sa kama ko. Ilang oras ko ring hindi naramdaman ang lambot nito. Sobrang napagod kaming lahat sa nangyari buong araw. Naubos ang lahat ng enegy na mero'n kami, lalo na si Rolen, knocked out na nga siya sa byahe pa lang.
Ang dami naming ginawa. Ultimo magpagulong-gulong sa damuhan ay ginawa namin. Para kaming mga limang taong gulang na naglalaro. Daig pa nga namin ang nakawala sa kural dahil sa kakasigaw namin. Ang saya pala maging bata ulit.
Kung inakala niyo na marami ang mga nakita naming tao. Nagkakamali kayo, iilan lang ang mga nadagdag, kung baga parang sa pyesta na iilan lang ang bisita dahil hindi nangumbira... nang-aya. Hindi rin masyadong lumabas si Haring Araw kaya naman kahit tanghali na ay hindi pa masyadong mainit.
Naubos lahat ng pagkain naming dala, sa tuwing lalapit kami sa picnic place namin ay kumukuha kami ng pwedeng nguyain. Si Rolen panay ang paglagok sa juice at tubig kaya naman halos maihi na siya. Naghanap pa kami ni Kio ng banyo ng wala sa oras.
Para kaming mga ate at kuya na nag-aalaga ng bunsong kapatid. Si mommy at daddy naman panay ang pag-vi-video sa 'min. Parang mga timang, mukha kaming takas sa mental e. Si Aling Soling, ayaw niya sumalit sa 'min dahil nagbabantay siya ng pagkain.
Huminga ako ng malalim. Naalala ko nananaman ang nabanggit kanina ni mommy. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o nadulas lang siya kaya nasabi niya ang tungkol do'n. Sa dinami-rami ng pwedeng masabi, 'yon pa ang lumabas sa bibig niya.
Nang tignan niya 'yon ay lumambot ang mukha niya. Para bang natouch pa dahil sa ginawa. Tumingin siya sa 'kin at maluha-luhang nagsalita. Luh, nasilaw ata sa kagandahan ko. Joke.
"Ang ganda mo rito! Ah... hindi pa 'ko handang makita kang magpakasal sa susunod na taon!"
"Haaaa?!"
Hindi ko na maiwasang magulat dahil sa sinabi niya, ano raw? Ako? Magpapakasal sa susunod na taon? Luh, boyfriend nga wala ako, asawa pa kaya. Kulang ata sa tulog si mommy kaya ganito. Tinignan ko siya, mata sa mata, ilong sa ilong, muta sa muta.
"Grabe ka! Bakit ka ba naninigaw, 'nak?"
Patay malisya talaga. Hindi man lang makatingin sa mga mata ko, kunwari tulala sa kalangitan. Sus, alam ko na ang diskarte mo, my. Hindi mo 'ko maloloko. Matalino kaya 'tong Heira niyo.
"Anong sinabi niyo po, ma? Pakiulit nga po."
"Ha? Anong sinabi ko?"
"Yung kanina po."
"Wala... wala akong sinabi, wala naman talaga. 'Diba, ate Soling?"
Oh, tamo, nandamay pa talaga siya ng kakampi niya. Kung wala lang, bakit parang kinakabahan siya? Nakahawak pa siya sa dibdib niya na parang inaatake sa puso. Napipilitang tumango si Aling Soling kahit na nagtataka sa sinabi ni mommy.
"Mero'n po kayong sinabi e." Pagpipilit ko.
"Wala nga. Kulit." Bulong niya.
"Mero'n po, ang sabi niyo nga po, ang ganda ko ri—!"
"Mabait ka, 'nak."
Aray naman.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
