Chapter 177

7 2 0
                                        

Para sa TRICE

HEIRA'S POV

"Sa'n niyo ba ako dadalhin?"

Sinabi ko sa mga babaita ang mga pinag-usapan namin ni Vance. Wala pa nga ay tumitili na sila, tapos tuwang-tuwa si Alzhane.

'Yun ay sa wakas daw ay magtatapat na si Vance, ang tagal niya raw na hinintay 'yong oras na 'to, pareho raw kasi silang manhid kaya hindi nila napapansin ang nararamdaman ng bawat isa.

Bulungan lang ang ginawa namin dahil ayaw namin na marinig pa ni Trina, baka raw masira ang surpresa sa kaniya. Kapag nalaman niya, edi hindi na 'yun surprise. Um-oo naman siya sa mga dapat naming gawin.

Nako! Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan dalawa, hindi ko sila tutulungan. Akala mo naman hindi gusto ang isa't isa kung makapag-away. Isama mo pa 'yung Valere na hindi naman namin kilala.

Hindi naman namin alam kung siya ba talaga ang gusto ni Trina, iba kasi ang nararamdaman namin, parang gusto niya rin si Vance. Kung hindi man niya gusto 'yung isa, malay mo naman mahulog na siya ngayon sa kaniya.

-FLASHBACK-

"Sige, sige. Ano 'yon?"

"I bought flowers and candles for my preparation."

"Oh, e anong gagawin ko? Ako ang magbubuga ng mga petals sa mga pagmumukha niyo?"

"Hindi 'yon! Ano kami? Ikakasal, tsaka sasayangin mo lang 'yung mga bulaklak, magkakalat ka pa!"

Tumawa naman ako. "E sa hindi ko naman alam ang gagawin ko e. Sabihin mo na lang ng makapasok na 'ko, ang lamok kaya!"

"Kanina ka pa reklamo ng reklamo riyan ah. Ako rin naman nilalamig at nilalamok, nagreklamo ba ako? May narinig ka ba sa 'kin?" Inis na sabi niya.

"Pasensya naman... sige na, ituloy mo na, baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita tulungan."

Nagpamewang siya, kinamot niya ang ilong niya tsaka siya huminga ng malamim. Ang laki ng problema nitong hudlong na 'to, kanina pa ako naghihintay ng sagot dito e. Naputulan na ata siya ng dila.

Kapag magkakasama kaming lahat ang ingay niya tapos pagdating kay Trina, nananahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin, umuurong ang dila. Susme, nasa'n na 'yung mabubungang Vance?

Tatawagin ko na ba si Xavier para humingi ng tulong?

"Mamayang gabi ko gagawin 'yung surprise ko... 9:00 P.M to be exact, kami ng bahala ng Dark 13 ang mang-aayos ng lugar, may mga fireworks at romantic dinner. Kay Jharylle ako magpapaluto. Nakabili na rin naman ako ng lahat ng gagamitin." Paunang paliwanag niya.

"Oh? Tapos? Anong gagawin namin? Pwede bang makikain sa inyo?"

"Of course not!" Tutol niya kaagad. "Para sa 'min lang 'yun! Tutulungan niyo lang naman ako para sa set up!"

"Okay sabi mo e. Sana ireject ka ni Trina."

"Yakie naman ih..."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now