Monday slave
HEIRA'S POV
"Where have you been?!"
Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at tumunganga, kung anong ginagawa ko? Ewan ko rin. Basta gusto ko lang mapag-isa na muna at mag-isip na lang ng mag-isip hanggang sa mapagod ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano ako nakapunta rito sa room namin.
Humarap ako sa may bintana, inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng ulo ko, pumikit ako saka ko ginulo ang buhok ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Panibagong issue nananaman niyan ang mangyayari mamaya dahil sa ginawa ni Theo.
Ano ba kasi ang tumatakbo sa utak ng kumag na 'yon at hinalikan niya ako? Oo sa pisngi lang 'yon pero ang lakas nung epekto no'n sa 'kin. Hindi sa may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya kung hindi dahil... ang daming tao na pwede kaming pagchismisan sa loob ng university.
Sa 'kin, oo, ayos lang sa 'kin 'yon dahil sanay naman akong pag-usapan ng mga nasa paligid. Siya? Hindi ko alam, bagong salta lang siya rito sa B.A.U.
Baka kasi hindi siya sanay na may nagbubulungan sa paligid at siya ang topic ng mga impakto at mga gunggong na 'yon. Huminga ako ng malalim. Hindi 'yun pwede.
Maaari niya namang ipaliwanag sa iba na friendly gestures lang naman ang ginawa niya. Beso-beso lang, gano'n. Walang malisya dahil Americano siya at gano'n talaga ang mga ginagawa nila bilang pagbati. Mayayayi nananaman niyan ako kina Madison kapag nalaman nila 'to.
Syempre sila pa ba? Malamang maghahanap sila ng butas na pwede nilang gamitin laban sa 'kin para lang makagawa sila ng gulo. Masasapok ko na lang mamaya si Theo kapag nagpakita siya sa 'kin.
Ngumiwi ako at ginulo ang buhok ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang kasalanan ng mundo dahil sa laki ng problema ko. Ang sakit niya sa panga.
Ang aga-aga pa lang tapos gano'n na siya? Buti na lang pala hindi ko siya naging kaklase pa.
"Fine. I will go to your room after this..." Sabi niya sa 'kin. Tumango na lang ako sa kaniya, wala naman akong alam na sabihin sa kaniya e. "... Don't think anything. I will visit, Akio, not you."
"Sinabi ko bang ako?" Pambabara ko sa kaniya, inirapan niya lang ako. Sumandal siya sa pader at nagcross arm pa. Inayos niya ang buhok niya bago siya ngumiti ng nakakaloko.
"Pwede rin namang ikaw." Pahabol niya. Wala akong reaksyon ng tignan ko siya.
Mama mo ikaw. Bwisit siya. Kung alam ko lang na gagawin niya 'yon hindi ko na lang siya sinamahan sa room nila. Bahala siyang maligaw na lang sa university namin. Kung isumbong ko kaya ang ginawa niya kay Kio? Magagalit kaya ang kapatid ko?
Ay ewan ko! Kung pupuntahan niya mamaya si Kio, magtatago na lang ako. Nahihiya akong tignan siya dahil namula ako sa ginawa niya hindi dahil sa ginusto ko 'yon kundi dahil sa... bago pa lang kaming magkakilala pero gano'n na siya.
May kumakalabit sa 'kin pero hindi ko na lang pinapansin dahil pakiramdam ko ay wala akong kasama ngayon, pakiramdam ko ay ang tahimik ng paligid kahit na ang ingay ng mga kaklase ko.
Kanina pa ako kinakausap ni Kio, sinesermunan dahil bigla na lang daw akong nawala, muntikan niya na nga raw isipin na baka nakidnap nananaman ako. Tanging pagsulyap lang ang ginagawa ko sa kaniya.
"Ha?" 'Yan na lang ang tanging nasabi ko sa kaniya, marahas niyang kinamot ang ulo niya.
Ngumuso na lang ako at tumingin sa batang hapon na kanina pa nangangalabit. Kahit na nakatingin na ako sa kaniya ay patuloy pa rin siya sa pagkalabit sa braso ko. Nakatingin at nakanganga siya kay Kio.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
