Wallpaper
HEIRA'S POV
"Nandito ka na pala, nasaan pagkain ko?"
Kakarating lang ni Nicholai ngayon dito sa hospital room ko, bagong ligo na siya, siguro ay hindi siya rito matutulog, mayroon din siyang dalang pagkain na nakalagay sa paper bag. Gabi na rin, buong hapon akong tahimik at nag-iisa rito sa kwarto ito. He immediately smiled devilishly as if I told him a joke. I rolled my eyes. Kung hindi lang ako nakaswero ngayon ay baka nasapak ko na siya. Dala niya rin pala ang bag niya at parang suitcase. Hindi ko pa alam kung ano ang course na kinuha niya ngayong college na siya.
Umupo siya saglit sa sofa at binuksan ang t.v. Hininaan niya naman ang aircon dahil malamig daw masyado, sabaw pa naman ang dala niya, baka raw lumamig agad. Kinamusta niya ako saglit bago niya inihanda ang hapunan naming dalawa. Mayroong sinigang na buto-buto ng baboy at chicken barbecue na mayroong sarsa. Niluto raw nito ng kaniyang Mommy at pinadala niya rito para sa akin. Hindi ko naman kilala ang Mommy niya pero gusto ko pa ring magpasalamat sa kaniya.
"By the way, pupunta raw bukas si Mommy rito, kasama niya ang kapatid ko. Bibisitahin ka raw nila." Sabi niya sa akin nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin. Umawang ang labi ko at natigilan ako, bigla akong kinabahan sa sinabi niya ngayon. "Tss. Hindi naman nangangain ng tao si Mommy. She's a good and decent woman, don't worry... hindi ka niya sasaktan."
Kinamot ko naman ang likod ng ulo ko at alanganing ngimiti sa kaniya. "Ano kasi..." Hindi mahanap ang tamang salita na sasabihin ko sa kaniya. "Pupuntahan mo rin naman ako rito bukas, 'di ba?" Nagbabakasaling tanong ko sa kaniya. Atleast, if he's with me tommorow, it will lessen the awkwardness.
"Masyado mo naman atang hinahanap ang kagwapuhan ko, Heira. Hindi ba pweding umalis muna? Sabihin mo na lang kasi na namimiss mo 'ko." He winked at me. I raised my eyebrow and gave him a disgusting look. Parang nawalan na ata ako ng gana dahil sa kahanginan niya.
"Ang kapal talaga ng mukhang 'yan, Axl. Pasampal nga nang matantya ko kung ilang inches na ba ang kakapalan ng mukha mo." Pabiro ko siyang inambahan ng sapok, lumayo naman sa akin ang gago na mayroong kasamang ngisi sa kaniyang mga labi. Muntikan na akong mabulunan sa kinakain ko.
"Ang brutal mo, hindi ba pwedeng maging mabait ka naman kahit ngayon lang?" Hindi ko sinagot ang sinasabi niya. Brutal na kung brutal, kung isang mahanging katulad niya naman ang kausap ko ay baka mabali ko pa ang leeg niya. Nag-usap lang kami tungkol sa mga nangyari sa buong araw namin.
Pagkatapos naming kumain ay siya na rin ang nagprisintang maghugas ng plato. Hindi ko pa rin kasi kayang gumalaw masyado dahil mayroong benda ang kamay ko. Sinabi niyang dito rin ulit siya matutulog para may kasama ako. Tinanong ko pa nga kung bakit wala siyang dalang uniform niya, sinabi niyang alas dyes pa lang naman ang kaniyang klase bukas kaya pwede pa siyang umuwi na lang sa kanila. Tumawa pa ako nang makitang may dala siyang apron para hindi mabasa ang damit niya sa paghuhugas.
"Hindi ka ba naduduling sa mga binabasa mo?" Tanong ko sa kaniya habang tinitignan ang kaniyang mga libro. May quiz ata sila bukas kaya nagrereview siya ngayon. Mayroon pa siyang mga hinahighlight sa mga pages noon.
I am into books too. But, I prefer reading a novel book than to read those books. Sa cover pa lang noon ay nakakatakot na at parang babagsak ang aking utak kapag binasa ko ang mga 'yon. He's taking and studying business management. Ang gusto niya raw ay legal management pero siya rin daw ang magmamana ng kumpanya nila, wala siyang magagawa, of course, he'll take care of it so he took that course.
"Hindi naman, kapag college ka na, ganito na ang mga librong araw-araw mong babasahin." He answered. Sinulyapan niya lang ako saglit bago niya binalik sa libro ang kaniyang mga mata. Sinubo ko naman ang pongkan na binalatan niya kanina. Hindi pa ako inaantok kahit na alas dose na ng hating-gabi, I am enjoying the view, a man reading a book seriously.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
