For you
JAXON'S POV
"Sige po, Sister Aida. Mauna na po ako, magandang umaga po ulit."
She just smiled and nodded. Kakatapos lang ng misa. Nagsimba kami kasama ang pamiya. Ilang beses pa lang namin itong ginawa. We are busy with business and with our studies. Family bonding na rin kumbaga.
Mama and papa were already in the car, together with Zoe. I went for a moment to Sister Aida's headquarters to give a little help for this church. Matagal ko na 'yong ginagawa, maagan ang loob ko sa kanila.
I was about to go straight to our car when I saw people I didn't expect to see today. Kasama pa nila 'yung dalawa. Ang alam ko ay kakarating lang ni Tito Korbin nung isang araw. Mukhang masaya silang lahat ngayon ah.
Lumapit ako sa kanila. Gusto ko lang silang makausap saglit... pati na rin si Heira.
"Ikaw?!" Heira shouted. Muntik ko ng matakpan ang tenga ko dahil sa lakas no'n. But I managed to smiled. Masyadong maganda ang araw para masira pa ito.
I saw the shock of tita and tito. Their eyes widened and seemed stunned because they saw me. Do I look like a ghost? Bakit ganito ang reaksyon nila? Ayaw ba nila akong makita?
"Jaxon.." I smirked at tito. Gusto ko sanang ngumiti pero hindi ko magawa. Ayaw kong magmukhang peke sa harap ng iba dahil hindi ako ganoong tao.
"Yes, it's me, tita, tito."
"What brings you here?" Tanong ni tita Helen. I took my face seriously.
"Nagsimba po, tutal nakita ko na kayo kaya naman lumapit na po ako."
'Yon naman talaga ang totoo. Hindi ko naman alam na nandito pala sila. Same day, same time of mass. Hindi ko sila sinusundan dahil alam ko naman kung saan sila nakatira.
"Kio, ro'n muna kayo ni Heira."
Sayang naman. I still wanted to talk to Heira even just now. We meet at university but we don't even pay attention to each other and talk. Alam kong ayaw ni kuya 'tong ginagawa ko pero hindi na niya 'ko mapipigilan.
Nang makita naming malayo na sa 'min yung dalawa saka nila ako binalingan. Their faces are so serious that's why I'm serious too. I only need a little time to talk to them.
"Good morning, by the way." I said formally.
"Hmm, good morning din, Jaxon." Sagot ni tito.
I smiled. Parang kailan lang nung huli kaming nagkita. Madalas ko kasing makia ay si Tita Helen dahil malapit ang bahay ko sa may restaurant nila. Lumalago na pala ang negosyo nila.
"Good morning din." As usual, si Tita Helen ay hyper siya. Mukha lang kaming seryoso pero nag-uusap kami na parang walang nangyari... nangyayaring gulo sa pagitan namin.
"Nasabi niyo na po ba sa kaniya?" Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa dahil 'yun lang ang gusto kong itanong.
"No. Hindi pa."
"Tita..."
"Jaxon, give us a time. Please. Hindi ko pa talaga kaya."
"Pero, tita. Hinahanap na rin siya ni mama."
"I know. Alam ko naman 'yon dahil ina rin siya pero sana... hayaan niyo muna kami. Sandali na lang, kahit konting oras pa."
"It's okay, tita. Sana lang po ay sabihin niyo na sa lalong madaling panahon, naghihintay din po kami sa kaniya."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
