Chapter 147

11 3 0
                                        

Get married

HEIRA'S POV

"What the hell? Are you blind?!"

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang sigaw na 'yon mula sa nakabungguan ko. Para lang sa juice... nagalit siya. Magkano ba 'yong juice niya? Bili na lang siya ng bago, mura lang naman 'yon.

Maganda siya at maamo ang mukha pero kabaligtaran niya ang boses niya, boses dragona siya. Parang ako lang. Hindi halata sa kaniya ang pagiging mataray niya, hindi kasi nakataas ang kilay niya. Hindi ko alam kung anong ipapakita ko sa kaniyang reaksyon.

Parehas lang naman kaming hindi nakatingin sa dinadaanan namin. Siya, nakatingin sa cellphone niya, ang galing nga niya kasi kahit isang kamay lang ang ginagamit niya, nagagawa pa rin niyang magtipa. Ako kasi, kahit dalawang kamay pa ang gamitin ko, nahihirapan ako.

Aminado naman ako na may kasalanan din ako. Bukod sa nagmamadali akong pumasok dito, medyo nakayuko pa 'ko kaya hindi ko na alam kung ano o sino ang mga dinadaanan ko. Susme. Baka mas magalit siya kapag nagsalita pa 'ko.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang napapalunok pa. Kung titignan mo, medyo matangkad pa siya sa 'kin. Hindi naman siguro siya nagbubuga ng apoy 'diba? Nararamdaman ko na ang pagkabasa ng damit ko, malamig... dahil sa yelo.

Hawak ko ang tray pero nakapabaligtad na 'yon, nahulog na 'yung ibang mga plato, buti na lang at hindi 'yon babasagin. Baka pagbayarin pa nila ako ng wala sa oras.

"Don't you know how much I wear this dress?"

Lumunok pa muna ako, gusto kong matawa dahil sa sinabi niya pero pinigilan 'ko ang pesteng bunganga ko. Ayaw kong magkaroon ng eksena, kahit pa may nangyayari ng eksena ngayon.

"Hindi po kayo nakadress... nakauniform po kayo." Utal kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko dahil mas sumalubong pa ang kilay niya.

Tinignan niya ang kabuuan niya tsaka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Para bang kinikilatis niya 'ko. Wala naman akong kahit na anong galis at peklat. Gasgas, mero'n. Demonyo kasi si Kio, tinulak ba naman ako sa palabas sa kotse kanina, kaya ayon, deretso ako sa lupa. King inang 'yon.

"Well, my uniform is much... expensive than yours!"

Ngumiti ako ng pilit. "Kahit na po, atleast parehas pa rin naman ang design."

"I don't care! You bump on me!"

"Luh, parehas lang naman po tayo."

"No! It's your fault!"

Nilapitan ako ni Aiden tsaka niya hinawakan ang siko ko. Kasama ko pala 'to? Akala ko naiwan na siya kanina sa may daan. Hindi man lang ako sinalba rito sa babaeng nasa harapan ko. Pinanood niya ata ako... kami. Ang galing ng kaibigan kong 'to. Sarap ipatapon sa Venus.

"Zoe," Tawag niya, Zoe pala ang pangalan niya.

"What?!" Inis na sabi niya tsaka siya tumawa ng sarcastic. "We met again.. Samuel."

"Shut up!"

"No! You shut up. Bakit ba nangingialam ka sa gulo ng may gulo?!"

"You've changed a lot."

"'Wag mong isama 'yan dito."

Sumabat na 'ko, baka may masabi pa silang dalawa na hindi naman dapat marinig ng iba. Ayaw kong makialam kung ano man ang issue nila, basta ang alam ko, magkakilala sila.

"Hmm... ate. Pasensya na po ah, hindi po kasi ako tumitingin sa dinaanan ko, 'yong juice, papalitan ko na lang po. Pasensya na po talaga." Ako na ang umako sa kasalanan naming dalawa. Hindi matatapos 'to kung walang susuko. Baka abutin pa kami ng gabi rito kakarebat.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now