Not so typical day
HEIRA'S POV
"Pahingi nga ako niyan..."
Huminto muna kasi sa isang gasolinahan dahil sa naiihi na 'yung iba. Nung una nga, ayaw pang ihinto ni Elijah ang sasakyan e. Akala niya nagloloko lang ang pantog ng mga hudlong.
Baliko rin ang utak nito e.
Habang hinihintay namin sila, kumain muna kami saglit ng miryenda. Oo, miryenda na kaagad kahit hindi pa sila nag-aamusal o nagtatanghalian. Masyado pa lang matagal ang byahe.
Dalawang oras na rin kaming bumabyahe. Uminit na nga ang pwetan ko dahil sa pagkakaupo ko. Hindi nga nagsasalita 'yung katabi ko, panay naman ang pagtawa niya dahil may binabasa ata siya sa telepono niya.
Buti na lang, sinasali ako nina Eiya at Kenji sa usapan nila. Kahit hindi ko sila gets, nakikisali na 'ko sa kanila, kaysa naman amagin ako sa pwesto ko dahil sa inip. Ang hirap kaya nung wala kang kausap habang nasa byahe ka, parang nakakahilo.
Sumusulyap ako minsan sa tinatawanan ni Kulapo pero agad niyang iniiwas 'yon tsaka niya 'ko panininkitan ng mata. Iniismiran ko na lang siya. Damot.
Ayaw niya atang ishare.
Ikaw lang may karapatang tumawa? Ako hindi? Ayaw ipamahagi?
"Kuha ka na lang sa sasakyan." Sagot ni Kenji sa sinabi ko, tinaas niya pa 'yong hawak niyang popcorn, akala mo naman hindi ko abot.
"Ang dami naman niyan e. Pahingi ako, konti lang," pagpupumilit ko. Kaysa naman sa kumuha pa 'ko ro'n, mangangalkal pa 'ko.
Nasa likod kasi lahat ng gamit, 'yung parte ng van kung saan pwedeng umupo 'yung lima. Ang daming bag do'n, hindi ko alam kung sa'n banda ko hahalungkatin 'yong mga pinamili namin.
Baka nga hindi pa kami nakakarating ubos na ang mga 'yon e. Mas mabuti ng makapagpigil ng gutom, maaga pa naman. Marami 'yung mga pinamili namin pero hindi malabong hindi maubos 'yon dahil sa dami namin tapos matagal pa kami ro'n.
Sumimangot siya tsaka inulahad sa 'kin 'yung kinakain niya. Kumuha na 'ko ng isang sakmal, sigurado naman akong hindi niya na 'ko bibigyan ulit. Ang lakas pa naman niyang kumain.
"Nasa'n na 'yung iba?" Tanong ni Trina, si Alzhane ang sumagot. Kumakain din sila ng binili niyang siomai.
"They are still in the comfort room."
Binilhan din naman ako kanina ni Kio pero kaagad din naman naubos 'yon dahil tatlo kaming kumain. Si Kenji, ako tsaka si Eiya. Nahihiya raw siyang manghingi kay Elijah, pero sa huli siya rin naman ang nakaubos ng binili ni Eli.
"Anak ng... nasa banyo pa rin sila?!" Tanong ni Eiya. Tumango ako. "Kanina pa sila ro'n ah. Baka naman hindi sila umiihi. Baka naglalabas na sila..."
Kumunot naman ang noo ko. Anong ilalabas nila?
"Baka naglalakas na sila... ng kinain. Baka sumakit ang tyan nila. You know?" Tumango na lang ako sa kaniya.
"Kayden, anong oras tayo makakarating do'n?" Tanong ko sa kaniya, nakasandal siya sa pinto ng van. Kami naman, nakasalampak sa pwedeng upuan.
"I don't know pero mga 10 o' clock or 11 something. It depends on the traffic." Sagot niya tsaka nagkibit balikat
"'Yon! Success! Akala ko maiihi na 'ko sa loob e!" Sigaw ni Xavier habang papalapit sa 'min.
Barumbado talaga ang bibig nito kahit kailan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
