Chapter 157

7 2 0
                                        

Elizariah Beach Resort

HEIRA'S POV

Pagkatapos kong maligo inayos ko na ang mga gamit ko. Nagdadalawang isip ako kung bag ba ang dadalhin ko o maleta na lang. Malay ko ba kung hindi na 'ko umuwi. Joke lang.

Limang araw kami ro'n, buti na lang at pinayagan ako nina mommy at daddy e. Kung hindi pa 'ko nagdahilan hindi nila ako papayagan. Isa pa si Kio, gusto munang nagpapilit.

-FLASHBACK-

"Mommy..." Tawag ko sa kaniya habang nasa sala siya.

Ito na ang tamang oras para sabihin sa kaniya, habang maaga pa sasabihin ko na, baka sakaling payagan niya 'ko. Mukhang nasa mood pa naman siya ngayon.

"Hmm?"

"Uh... ano po, may sasabihin po ako."

"What's it?"

"Diba po... sembreak na."

"Oo, sinabi ni Kio."

Naunahan pa 'ko ng lampayatot na 'yon.

"Magbabakasyon po kaming magkakaklase."

"'Yon naman pala e. Ayos lang naman sa 'kin 'yon, 'nak, basta na umuwi ka ng maaga."

Limang araw nga kami ro'n, ma e. Tsaka, may bakasyon bang umuuwi kaagad?

"Mommy... a-ano po, magpapaalam po sana ako."

"Pinapayagan na kita. Don't worry about it." Sabi niya tsaka ngumiti sa 'kin.

Nanonood kasi siya ng paborito niyang korean drama kaya hindi ko siya maistorbo ngayon. Ni hindi nga siya halos lumingon sa 'kin e. Nasa'n na ba si daddy? Huminga ako ng malalim.

"MGALIMANGARAWKAMIRON." Tuloy-tuloy na sabi ko sa kaniya.

"Ano? Ano kamo? Ang bilis mo naman magsalita."

"Hindi po ako makakauwi ng maaga."

"Bakit naman?!"

"Limang araw po kami ro'n... sa Batangas."

Nalaglag naman ang panga niya at pinatay ang tv. Tumayo siya at nagpamewang sa harapan ko habang ako naman nakaupo at pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.

"Ano 'kamo? Ulitin mo nga."

"Limang araw po kami sa Batangas. Kasama naman po namin si Eiya tapos si Kio rin!"

Nag-isip siya. Tumingala ako sa kaniya. Sana pumayag ka, mommy. Sana pumayag ka. Ngayon pa lang ako makakatakas ng bahay ng sembreak, ayaw kong mabulok rito.

"Walang sinabi sa 'kin si Kio ng ganiyan."

"Baka wala pa po siyang sinasabi pero... kasama po siya. Kaming lahat na magkaklase."

"Ay, hindi ko alam. Itanong mo kay daddy mo. Baka sa 'kin magalit 'yon." Sabi niya tsaka umupo ulit at nanood.

Speaking of daddy. Heto na siya, kakarating niya lang at may dalang mga paper bags, mukhang galing siya sa grocery store. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa mga binili niya.

"Daddy..." Tawag ko bago ko inilapag sa countertop ang paper bag.

"Hindi ka pwede."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now