Sarcastic answer
HEIRA'S POV
"Kyaaaah! Ang sexy mo!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa sigaw nila. Kakalabas ko lang ng banyo at sila ang bumungad sa 'kin. Akala ko naman lumabas na sila at ako na lang ang hihintayin nila sa baba.
Nilagay ko ang mga braso ko sa may bandang dibdib ko. Ito 'yung unang beses na magsuot ako ng ganito. Naiilang pa naman ako sa tingin nila, kahit na babae rin sila... hindi ako sanay e. Papasok na sana ako ulit sa banyo pero pinigilan nila ako. Hinila nila ako paupo ulit sa kama.
Nilock ko muna ang pinto ng kwarto dahil kinakabahan ako ng baka pumasok dito si Kio tapos makita niya 'ko na ganito ang suot. Naku! Sigurado akong magsusumbong kaagad 'yon kina mommy at daddy. Ang masaklap pa nito baka sumugod dito ang mga magulang ko.
Kj pa naman 'tong Kio na 'to.
Ayaw ko na atang lumabas ng kwarto. Ayos na 'ko na ganito ang suot ko basta ba dito na lang ako mananatili, titignan ko na lang at papanoorin ko na lang sila sa may bintana. Okay na 'ko ro'n, hindi na 'ko matutulog. Susme, kung kailan gabi tsaka nila ako pinasuot ng ganito.
Kung sabagay, hindi rin naman pala ako nagsuot ng ganito kahit kaninang maaga pa. Kahit na anong oras pa 'yan, hindi na mauulit 'to. Ito ang una at huling beses na makikita nila akong magsuot nito. Hindi ko na sila hahayaan na pilitin nila ako. Hayop.
"Aayusin natin ang buhok mo ah..." Paalam ni Shikainah, hindi pa nga ako nakakatanggi ay sinimulan niya na 'kong sukalayan.
Anong mero'n sa mga 'to ngayon? Pupunta ba kami ng disco kaya ganito ang ginawa nila? Gabi na oh, matutulog na lang kami tapos aayusan pa nila ako? Pinabayaan ko na lang sila sa ginawa nila sa buhok ko. Nahihila nga pati ang anit ko kapag dumadaan ang suklay sa buhok ko.
Akala ko naman aayusin nila ang buhok ko gaya nung mga ayos ng buhok kapag may party. Simpleng high ponytail lang pala 'yon, nagmukhang messy bun pa nga dahil sa may mga ilang hibla pa ng buhok ang nakalaglag sa mukha ko.
"Ayan! Finish! Ang ganda na ng buhok mo. Hindi ka na mukhang aswang!" Masayang sabi ni Alzhane. Kaso, ang ganda na sana ng sinabi niya e pero may panlalait pa talaga sa huli 'no?
"Edi hindi ka na mukhang bruha ngayon! Jusme! Ang lambot naman ng
buhok mo pero bakit hindi ka marunong magsuklay?" Tanong ni Trina.
"Wala lang. Gusto ko lang. Tinatamad ako e." Lamyang tugon ko.
"Pati sa pagsusuklay tamad ka? Para sa'n pa 'yung isang minuto kung hindi mo gagamitin?" Nakangiwing sabi ni Shikainah.
"E sa tamad ako." Sabi ko at nagpeace sign na lang sa kanila.
"Ate Heira. Gusto mo bang bilhan kita ng suklay? Para maayos palagi ang buhok mo." Inosenteng sabi ni Hanna, umiling nan ako kaagad sa kaniya.
"Marami naman kaning suklay sa bahay, hindi ko lang talaga ginagamit." Sabi ko sa kaniya.
May kumatok sa pinto kaya nahinto ang kwentuhan namin. Si Lucas pala 'yon at sinasabing bumaba na raw kami dahil gawa na ang bonfire, may pagkain na rin daw. Tumango kami kahit alam naming hindi niya naman kami nakikita.
Lumabas kami ng kwarto pero taliwas sa nangyari sa 'min kanina, ako ngayon ang nasa likod nila. Excited pa nga sila kaya naman tinatago nila ako. Hindi ko naman maintindihan ang kalokohang ginagawa nila ngayon, pati ako nadadamamay.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
