Chapter 236

5 0 0
                                        

Mysterious guy

HEIRA'S POV

"Sama ako sa inyo, wala naman din akong gagawin sa bahay."

Nag-aya kasi ang mga hudlong at ang mga babaita na mag-ihaw-ihaw daw kami ngayon. Ayaw naman nila akong isama dahil sa mga nagbabanta sa buhad ko. Bala raw bigla na lang may mananaksak sa 'kin ng barbeque stick.

Ngumuso ako ng umiling si Kio. Kinamot ko ang noo ko. Bakit ba ayaw nila akong isama? Ako lang naman ng mamatay, hindi sila. Ang laki ng takot nilang lahat samantalang ako, gusto ko lang talagang kumain ng paa at isaw ng manok na inihaw.

Sama-sama naming nilinis ang mga petals na nagkalat kanina. Tangina kasi ni Kayden e.

Magkakalat siya at manggugulo ng mga gamit tapos hindi naman siya marunong maglinis at magligpit, basta niya na lang kaming iniwan do'n at inutusan kaming maglinis ng classroom. Kami naman itong tanga, sumunod kami sa utos niya.

Wala naman kaming klase sa unang dalawang oras. Wala si Ms. Margaux, siya ang math teacher namin kaya lang, wala siya ngayon sa university dahil may pinuntahan daw siyang meeting ngayon. Wala naman din siyang binigay na mga assignment o mga activities kaya naman free time namin, natulog lang ako no'n.

Gusto ko munang magkaroon ng peace of mind ngayon lalo na marami akong iniisip na dapat kong gawin. Buti na lang hindi pa sumasabay ang mga projects namin kaya naman hindi pa ako masyadong problema ngayon. Baka sa mga susunod na araw pwede pa, hindi ko naman masasabi kung kailan.

Nakaupo kami sa tambayan, kumakain kami ng panganghalian namin. Konti na nga lang ay hindi na kami lumabas ng room dahil kinakabahan kaming lahat na baka nasa paligid lang 'yung taong kumukha ng mga litrato na pimapadala nila sa 'kin. Ang tanga nila, masyadong obvious ang mga ginagawa nila.

Umiling agad si Eiya at bahagya niya akong sinabunutan. "Gaga ka, deretso ka na sa bahay niyo, baka kapag nasa ihawan na tayo ay may bumaril na sa puso mo." Pagbibiro niya pero lahat kami tinignan siya namin ng masama. "Biro lang, sige, kain lang kayo. 'Wag niyo akong tignan ng ganiyan." Bawi niya.

Uminom ako ng tubig bago nagpatuloy sa pagkain. Kanina pa salubong ang kilay ko dahil naiinis ang sa mga pagbabantang binibigay nila ngayon sa 'kin.

Naiinis ako dahil hindi ko na tuloy magawa ang mga nagagawa ko dati gaya na lang ang paggagala kasama ang mga babaita.

"Isama niyo na kasi ako, hindi ako hihiwalay sa inyo, sa tabi niyo lang ako." Sabi ko sa kanila, nagkatinginan silang lahat bago tumingin kay Kio at Kayden.

Ngumuso ako at pinaglayuan ang straw sa juice ko. Oo nga pala, kahit na pumayag ang mga hudlong sa gusto ko, kapag ayaw naman ng dalawang 'to, wala rin akong magagawa.

Sila ang boss e. Kapag ayaw, ayaw talaga. Hindi na magbabago ang desisyon nila. Baka nga desisyon pa ng mga hudlong ang magbago. Baka matutop na lang sila at 'wag na lang magpumilit.

"No. I will not agree with her." Sabi ni Kio, patukoy niya sa 'kin, nakatingin lang siya sa harapan... sa kawalan.

"Dali na, Kio. Sa tabi mo lang ako, hindi ako lalayo." Pagpupumilit ko sa kaniya saka ko hinahawakan ang braso niya at bahagyang niyuyugyog 'yon.

Nasa pagitan nila akong dalawa. Pinalitan nila sina Kenji at Eiya sa pagiging bodyguards ko. Sa kanan si Kio, sa kaliwa naman si Kayden. Kaya kahit gusto kong tumakbo hindi ko magagawa 'yon.

Ngumuso ako ng lingunin niya ako na may galit ang mata. Nanggagalaiti ang panga niya. Napabitaw ako agad dahil napapaso ako sa mga titig niya.

Kinuha kong muli ang kutsara ko saka ako nagpatuloy sa pagkain ko, patay malisya, kunwari wala akong ginagawa. Para isang oras lang kasi, ayaw pa niya akong payagan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now