Rooftop
HEIRA'S POV
Nagising ako na masakit ang ulo na parang nahihilo, dahil na rin siguro 'yon sa gamot na nalanghap ko nang maglagay ang mga hindi kilalang lalaki ng panyo sa may ilong ko.
Sinubukan kong magmulat ng mga mata para sana tignan kung nasaan ako at kung sino ang mga kasama ko pero wala akong makitang kahit ano kundi puro itim at madilim.
Nakatakip ang mga mata mata ko naman yumuko ako para may maaninag kahit konti pero sadyang magaling atang magtali ang mga kumuha sa 'kin kaya wala akong makita kahit na katiting na liwanag man lang.
Tinaas ko ang ulo ko at sinubukan ulit na maghanap ng liwanag o kaya naman kahit masilayan ko lang kung anong klase ng lugar ang kinaroonan ko pero hindi rin naman ako nagtagumpay.
Naalala ko na magagabi na pala kaninang umalis kami kaya sigurado akong gabi na talaga ngayon. Paksheeet! Yari ako nito kay mommy kapag hindi pa 'ko nakauwi ng alas otso.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang ibang masakit sa 'kin kundi ang ulo ko. Wala naman siguro silang ginawang hindi maganda sa 'kin ngayon. Sinubukan kong gumalaw pero pati 'yon ay hindi ko nagawa.
Napailing na lang ako. Oo nga naman, sigurado akong nakatali nananaman ang mga paa at kamay ko pati na rin ang katawan ko sa isang upuan. Palagi na lang ganito ang set-up sa tuwing may mangunguha sa 'kin.
Hindi na bago sa 'kin 'yon... hindi na bago sa 'kin ang ganitong pangyayari pero hindi ko pa rin maiwasang matakot at kabahan ng todo lalo na ngayon na hindi ko alam kung sino ang dumukot sa 'kin.
Pa'no kung dinala nila ako sa isang liblib na lugar na kung saan walang makakakita sa 'min? Pa'no kung hindi na 'ko makita ng mga hudlong dahil akala nila ligtas akong nakauwi? Pa'no na lang nila ako ililigtas ngayon? Pa'no kung hindi na sila makarating gaya nung dati?
Ilan lang 'yan sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon. Natawa ako. Kaya ko 'to. Malalampasan ko rin 'to. Makikilala ko rin kung sino ang mga taong nasa likod ng pandurukot na 'to.
Bakit ba palagi na lang akong nanghihina? Nawawala na 'yung Heira na lumaki at natutong lumaban sa Sta. Luiciana. Kaya ko namang makipagsabayan sa kanila kung hindi lang ako nakatali ngayon.
Mandudukot sila ng tao para ano? Para sa pera? Ni hindi nga kami mayaman para lang magbigay ng basta-basta na lang. Kung gusto nila ng sakit sa katawan ngayon, bakit hindi nila ako pakawalan?
Parang mga tanga lang sila gano'n? Kikidnappin nila ako dahil may gusto nananaman silang papuntahin, ako nananaman ang gagawin nilang pain. Kikidnappin nila ako tapos itatali para hindi makawala.
Mga gunggong na siraulo. Dudukutin niyo ko tapos itatali niyo ko para hindi ako makalaban sa inyo? Ano, takot kayo na magkaroon ng pasa? Takot ba kayo na baka isang babaeng kagaya ko ang makatalo sa inyo?
Gusto kong sabihin sa kanila 'yon pero pati bibig ko binusalan nila ng panyo. Kulang na lang maging mummy ako ngayon dahil sa dami ng taling nakapalupot sa 'kin.
Ilang beses ko pa bang mararanasan ang ganito? Ilang beses pa ba akong madudukot ng mga hindi kilalang tao para lang pagsalitain ako sa mga bagay na hindi ko naman alam ang sagot?
Ilang beses ko pa bang mararanasan na kunin ng iba ng walang paalam para lang gawing pain sa mga kalaban nila? Ilang beses pa ba akong magkakaroon ng pasa dahil sa kamao ng mga taong hindi ko naman kilala?
Ilang beses ko pa bang mararanasan na maging isang bulag... walang makita dahil sa mga takip na nasa mga mata ko? Ilang beses pa ba akong mag-iisip ng mga paraan para lang makatakas sa lugar na pinagdalhan ng mga masasamang loob?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
