A/N: Play the video while reading this chapter.
-
Happy birthday
HEIRA'S POV
"Akin na nga 'yan, kapag nakuha ko 'yung stitch, halik ang kapalit."
Inambahan ko siya ng pukpok gamit ang baril-barilan na hawak ko pero hindi ko naman 'yon itinuloy. Binigay ko sa kaniya at siya na ang tumira, ilang bala pa ba ang gagamitin para makuha kita Stitch?!
Kanina pa kami naglilibot dito sa loob ng B.A.U. Ang dami na ng mga booths na nilaruan namin pero wala pa rin kaming nakukuha kahit na isang premyo lang. Parehas kaming hindi marunong maglaro e. Alam lang namin tumawa ng tumawa habang tinitignan ang mga estudyante na parang pinilit na maglaro.
Malaki pala ang B.A.U ngayon ko lang 'yon napansin. Open gate pero bawal lumabas, may limang guard na nagbabantay. May iba kasing school na pumunta rito sa 'min kaya ang daming tao ngayon sa loob ng university. Sa tansya ko, na pitong university ang nandito ngayon at nagkasya talaga kami.
'Yung ibang booths kasi pagkain ang itinitinda nila kaya naman hindi napupuno ang canteen. Nag-arkila pa sila ng mga upuan at lamesa para lang sa mga bisita. Natawa ako ng sarkastiko. Kami ngang mga estudyante rito walang special treatment tapos sa kanila, mero'n? Anong nangyayari sa mundo ngayon?
Hindi ko alam kung nasaan na ang mga hudlong. Hindi ko naman kasi dala ang cellphone ko kaya hindi ko sila matext. Nasa bag kasi 'yon, nilagay ko kanina bago ako lumabas.
Hindi ko rin naman alam ang kinaroroonan nila. Baka nasa room pa sila kaya hindi ko sila nakikita sa paligid o baka naman nasa paligid lang sila pero hindi ko lang sila napapansin?
Ang saya pala ngayon dito kapag may ganitong mga activities tapos sama-sama ang mga estudyante at mga teachers. May nakikilala kaming mga bagong kaibigan pero hindi ko maalala ang mga pangalan nila.
Kanina, nung nasa kiss booth kami may nagpakilala sa 'kin na taga ibang lugar. Kulay blue ang uniform niya, parang gaya lang nung sa 'min pero iba ang tatak at kulay no'n. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi ko binigay ang pinagalan ko. Malay ko ba kung mandurugas pala 'yun.
Nagtaka nga ako nung bigla siyang umalis ng makita niya si Brazen sa tabi ko, wala naman silang napag-usapan, basta 3 seconds lang silang nagkatinginan tapos nawala na no'n siya.
Bagsaka pa nga ang balikat niya ng lapitan niya ang mga kaibigan niyang pinagtatawanan siya. Sa may palapulsuan na lang ako nagpalagay ng kiss mark na gawa sa ink.
Si Brazen naman alam na alam na may tinatagong kalandian e. Nagpalagay siya sa leeg niya tapos mero'n din sa pisngi. Sinayang niya ang maputi niyang leeg, namula tuloy. Hindi na sana niya matanggal ang tatak na 'yon para sulit 'yung binayad niyang 50 pesos.
"Asa ka namang gagawin ko ang sinabi mo." Ani ko habang pinapanood siyang tirahin ang mga target gamit ang laruang baril.
Kapag natira niya ang tatlo gamit ang limang bala, makukuha namin ang stitch na kalahati ng laki ko. Wala naman kasing maliit tapos imposible mo pang matira dahil sa layo at liit ng target na 'yon.
"Sa cheeks lang!" Pangungulit niya habang sinisipat-sipat ang baril.
"Sapak sa cheeks gusto mo?" Paghahamon ko.
"Wag naman. Sabi ko nga kukunin ko na e." Pagsuko niya bago niya kalabitin ang baril.
Sapul ang isa!
"Chamba lang 'yan." Pang-aasar ko sa kaniya.
Tumawa siya. "Chamba lang bang matatawag 'yan e nasa pinakagitna ang butas."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
