Ma, pa, kuya
HEIRA'S POV
"Block that fucking number."
Napasinghap ako ng marinig ko ang baritonong boses ng kapatid ko. Kinuha niya kasi ang cellphone ko at binasa ang text na pinadala sa 'kin ng hindi kilalang tao. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari tungkol sa black box pero nabasa niya naman ang text.
Pabalibag niyang binaba ang cellphone ko sa armrest, inabot ko 'yon kay Timber at sinabi sa kaniya ang pinapagawa ni Kio. Ang tanda ko na pero hindi ko pa rin alam kung paano ko kakalikutin ang cellphone ko. Hanggang paglalaro lang ang nagagawa ko rito e. Ni mag-online hindi ko nagagawa.
Pinindot-pindot niya ang cellphone ko, hinayaan ko siya sa ginagawa niyang 'yon. Binablock niya ang numero na nagpadala sa 'kin ng death threats na 'yon. Buti nga ay nailayo ko agad kay Kayden ang cellphone ko dahil munikan niya ng ihagis 'yon sa ere, kung hindi ko nahablot ang cellphone ko, baka lima na ngayon 'yon.
Lasag.
Ito nananaman e. Kakatapos lang nung black box na may lamang patay ba ibon tapos ngayon mero'n nananaman nito, nakakatakot na mensahe na galing sa isang tao. Sinubukan naming tawagan ang number na 'yon pero walang sumasagot, basta na lang nagriring.
Pati ako napipika na rin dahil sa nangyayaring 'to. Bakit hindi na lang siya magpakilala sa 'min kung may galit siya? Wala namang dulot ang pagtatago niya dahil malalaman at malalaman din naman namin kung sino siya. Sa ngayon, mananatili muna siyang misteryosong nilalang, malay ko ba kung masamang elemento pala siya.
Binalik sa 'kin ni Timber ang cellphone ko. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago kinuha 'yon sa kamay niya. Ang gusto ko lang naman ngayon ay mamuhay ng walang takot, mas mabuti pa 'yung mga taong nakikipagbakbakan sa 'min. Atleast sila pwede kong bangasan.
Hindi katulad nito na parang isang multo, nararamdaman lang namin ang presensya niya pero hindi namin siya makit, hindi namin siya makilala, hindi namin siya naririnig at higit sa lahat, hindi siya patas gumalaw. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya, natatakot niya ako sa mga pinapadala niya pero hindi man lang ako makalaban sa kaniya.
Inayos ko ang upo ko, hinila ko ang laylayan ng damit ko, bumuga ako sa hangin at napailing na lang. Kung magpapadala sila sa 'kin ng ganito, ang ibig sabihin no'n ay ako ang puntirya nila. Kung gano'n, hindi na pwedeng sumali rito ang mga babaita at mga hudlong.
Ayaw ko silang madamay pa rito. Napalingon ako sa katabi kong napakaseryoso ng mukha. Parang kanina lang ay nakangisi siya at inaasar ako tapos ngayon ay nawalaa ang mga ngisi siya ng labi niya, pinaglapat niya ang mga labi niya habang hinahaplos ang pang-ibaba.
Palagi ko na lang siyang nakikitang gano'n ang ginagawa. Mukhang gano'n ang ginagawa niya sa tuwing malalim ang iniisip niya at sa tuwing may problemang umiikot sa utak niya. Isama mo pa 'yung kunot-noo niyang mukha at salubong na kilay, walang magbabalalak na lumapit sa kaniya kapag nakita siya.
Hinayaan ko na lang muna siya. Siguro ay iniisip niya kung sino ang nagpadala no'n. Hindi naman kami manghuhula para malaman kung sino man ang gumagawa nito. Ang taas ng IQ niya, baka maisip niya talaga o matrace niya ang nagmamay-ari ng number na 'to. Palitan ko na lang kaya ang sim ko?
Napailing naman ako. Hindu pwede. Nando'n lahat ng mga number ng mga hudlong at babaita tapos 'yung number ni mommy, daddy, Aling Soling, Tiana at nung naghahatid ng gas sa 'min. Ewan ko kung bakit nasa contracts ko 'yung number ni kuyang nagdedeliver ng gas. Baka hiningi niya ang number ko. Charot.
Bumalik ako sa pwesto ko at binura ang message na 'yon. Wrong send lang siguro, hindi naman para sa 'kin ang message na 'yon. Maraming number na halos magkakamukha, baka mali lang 'yung isang number kaya naisend nila sa 'kin. Oo, 'yon na lang ang iisipin ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
