Chapter 175

10 2 0
                                        

Souvenir

HEIRA'S POV

"Nga pala, may naghahanap sayo kahapon."

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa haba ng tulog ko kagabi. Pinilit ko na nga lang ang sarili ko na matulog ulit.

Nanood pa kami ng tv ni Kenji pagkatapos naming kumain, may tv naman sa kwarto namin pero hindi naman namin pwedeng buksan ng ganoong oras.

Panay ang pangungulit niya sa 'kin, kinakalbit niya ako tapos kapag tumingin ako sa kaniya patay malisya siya.

Ang gago, pinagtitripan pa talaga ako. Hindi ko na nga maintindihan ang pinapanood namin dahil sa paghagikgik niya, ewan ko sa kaniya, nasapian ata kaya siya gano'n.

May nakita pa akong chocolates sa kabinet 'nun, 'yon ata 'yung natira nung nagbonfire kami, may nga chitchirya pa nga na hindi pa nakabukas, mero'n din namang nakasara pa.

Nakita ko pa 'yung paper bag na pinaglagyan ko. Naitabi pala nila 'yun no'n. Buti na lang hindi horror ang pinanood namin.

Spongebob ang pinapanood namin pero panay ang pagkwento ko sa kaniya ng mga nakakatakot.

Kulang na lang maihi siya sa salawal niya tsaka kumapit ng mahigpit sa braso ko, hindi naman totoo 'yung mga ikinuwento ko sa kaniya, gumaganti lang talaga ako. Kunwaring matapang tapos takot pala sa multo.

Wala na sana kaming balak matulog dahil sa labing isang oras pala akong nakatulog. Mula alas onse ng umaga hanggang sa alas diyes ng gabi.

Kaya pala nanlalambot ako nun dahil hindi na nga ako nakapagtanghalian, hindi pa ako nakapagmiryenda tapos wala pa akong kain sa hapunan. Nag-iingayan 'yung mga alaga kong dragona.

-FLASHBACK-

"Ji... kanina may nakita akong parang batang nakaputi, hindi ko alam kung sino 'yun pero 'diba wala naman tayong kasamang bata kanina?"

Sabi ko sa kaniya, nakita ko naman ang pagngiwi niya. Kanina ko pa siya kinukwentuhan ng mga nakakatakot, pati 'yung mga nabasa ko sa libro ikinuwento ko na sa kaniya. Ganti-ganti lang 'yan.

'Yung kaninang dalawang ruler na layo namin, ngayon wala na atang isang pulgada. Siniksik niya ang katawan siya sa gilid ko, kinuha niya pa 'yong unan at nilagay sa pagitan ng tyan at hita niya. Nakataas kasi ang mga paa niya.

Sinabi ko kasi sa kaniya na kapag ganitong oras may kamay na lumalabas sa mga sofa at nanghihila ng mga binti. Ngayon, heto niya, namumutla na. Gusto kong humalakhak kaso baka mahalata niya ako.

Pinigilan ko ang mga pagtawa ko, kumain na lang ako ng kumain nitong chitchiryang nahagilap ko sa may kabinet ni Elijah.

Kapag may nakakatawa sa pinapanood namin do'n ko binubuhos 'yong mga tawa ko dahil sa itsura niya.

Tumihimik ako saglit dahil baka iwanan ako nitong isa rito at magtatakbo pabalik ng kwarto namin, takot na takot ang hapon. Nasa'n na ang ninja moves mo, Ji? Karatehin mo na lang 'yung multong makikita mo.

Akmang kukuhanin ko ang remote para sana maghanap ng ibang palabas nang may makauna sa 'kin. Tapos na kasi ang pinapanood namin. Nanigas ako at nanatiling sa harap na tumingin.

Ayaw kong lumingon dahil baka multo talaga 'to tapos magkapatong pa ang mga kamay namin. Aisssh! Karma ko na ata 'to sa papanakot dito sa batang hapon. Hindi na po mauulit.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang