DomTak
HEIRA'S POV
From: Kulapo
Message: Give a piece of paper.
Kanina pa umuusok ang ilong ko dahil sa demonyong Kulapo na 'to. Pinalitan ko na ang pangalan niya dahil mukha naman siyang amag. Alam kong nakangisi siya ngayon at 'yon ang dahilan kung bakit kanina pa ako gigil na gigil sa kaniya.
Ang sarap niyang tirisin, ang sarap niyang kaltukan. Talaga atang nang-aasar siya ngayon. Kung pwede lang akong lumabas na lang ngayon kahit na may pasok pa, ginawa ko na. Pati ba naman ngayong may nagtuturo sa harapan ay magtetext siya para lang manghingi ng kapirasong papel?!
Kanina nga ininom ko na 'yung tubig na binili ko sa kaniya. Nakita niya pala ako kanina na kinusog-kusog ko 'yon bago ko ibigay sa kaniya. Buti na lang hindi sumakit ang tyan ko, real karma nga raw 'yon. Pero masarap naman 'yung tubig, lasang tubig pa rin naman.
Tumayo ako dala ang kalahating pad ng papel tsaka ko padarag na inilapag sa harapan niya, kita ko ang pagkagulat ng mukha niya ng tignan ko siya na may nag-aalab na mata. Nagulat din si ma'am sa ginawa ko. Pasensya na, ma'am. May gusto lang akong durugin ngayong araw na 'to.
Kanina pa niya ako inuutusan. Parang hindi umamin sa 'kin nung isang araw e. Sa lahat ng umamin, siya ang hindi nagbago, mas naging malala pa nga siya. Hindi ko alam kung kulang ba ang turnilyo ng utak niya o sadyang tumatanda lang siya ng paurong. Nakakaasar ang tangina.
Agad din naman siyang umayos ng upo. Umugting ang panga niya at tinignan ako ng masama, nilabanan ko naman ang titig niya. To much for this day.
Pwede bang bukas na lang? Nakakapagod kayang tumayo, tumakbo at makisiksikan sa mga tao para lang ibigay ang gusto niya. Ayos na dare 'yan.
Nagtiim bagang ako, pinigilan ko ang sarili ko na manlambot dahil sa kaba, parang makakapatay ng tao ang mga mata niya. Nakakakaba talaga. Mali ata ang ginawa kong panlalaban sa kaniya. Hindi umuubra ang mga katapangan ng mata ko sa kabangisan ng mukha niya. Dating tigre ang lalaking 'to.
"What now?" Umugting ang panga niya habang sinasabi 'yon, hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa armrest niya pero agad ko ring hinawi 'yon.
"Ayan na ang papel mo, kalating pad na 'yan, hindi lang basta isang piraso." Malamig na sabi ko sa kaniya, ayaw kong magtunog na gano'n pero hindi ko na mapigilan e.
"Don't you know how to follow instructions? I said give me just a piece, not 40 pieces." Pagmamatigas niya, hinawakan niya ang braso ko, medyo hinigpitan niya 'yon kaya hindi ako makawala, hindi naman masakit sa braso kaya okay lang.
"E sa gusto ko ng half pad, may angal ka ba? Hindi ka na lang magpasalamat binigyan pa kita." Panunumbat ko sa kaniya. Umangat ang gilid ng labi niya. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong pagbabago ng reaksyon ng gawin niya 'yon.
"You tupid 'lil—!"
"Oh, ano? Sige, ituloy mo 'yang sasabihin mo." Paghahamon ko sa kaniya, kailan ko ba huling narinig na sinabi niya 'yon?
"Mr. Williams, Ms. Sylvia." Tawag sa 'min ni Ma'am Alejandro. "...Is there any problem?"
Sabay kaming lumingon sa kaniya, nakita ko pa ang pagkabigla niya dahil sa walang emosyon ang mga mukha namin ni Kayden. Inayos niya ang suot niyang salamin saka binalik ang mata niya sa librong hawak niya.
"Nothing, ma'am. Ayos na ayos lang po sila. Mabait lang po talaga si Heira kaya po binibigyan niya ng papel si Kayden." Cool na palisot ni Jharylle, tumango na lang si ma'am sa kaniya, sinenyasan naman ako nung isa na bumalik na sa pwesto ko.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
