Chapter 202

4 1 0
                                        

Assignment

HEIRA'S POV

"Kio, kilala mo si Zoe?"

Nandito kami ngayon sa sala kasama namin si Aling Soling, hindi pa pala siya natutulog, kakatapos niya lang magtupi ng mga damit. Inaya namin siyang sumama sa 'min para makapanood kami. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok, gutom... gutom ang dumadalaw sa 'kin.

Pinaghanda kami ni Aling Soling ng pwedeng kainin habang nanonood kami. Stitch ang pinapanood namin ngayon, 'yon ang gusto kong panoorin e. Buti na lang pala may usb si Kio na may lamang mga movies tapos nakita niya 'yun. Bawi naman ako sa pag-iistorbo niya sa panonood ko.

Ilang minuto niya rin akong inaalo kanina. Gano'n lang ang posisyon namin ng isang oras. Hinahagod niya ang likod ko na para bang iaalis lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Muntikan na nga akong makatulog sa mga bisig niya pero pinigilan ko 'yon, ayaw ko munang matulog ngayon.

Nagkaayos din naman kami, tinanggap ko ang pag-sosorry niya dahil gusto ko rin namang maayos namin 'to bago pa makarating kina mommy. Pinunasan niya ang mga luha.

Pinanood ko lang siya at parang nanlambot naman ako dahil sa unang pagkakataon naramdaman ko na may kuya ko, sa unang pagkakataon parang siya ang naging mas matanda sa 'kin.

Inaya niya akong bumaba para makainom daw ako ng tubig. Buti nga hindi niya ako sinusungutan ngayon e. Dati kapag nagkaayos na kami bigla na lang ulit siyang magsusungit o kaya naman panay ang pag-irap niya. Imbis na tubig ang inumin ko, chuckie ang kinuha ko.

Sabi ko sa kaniya manood kami kaya naman pumayag siya. Ngayon lang 'to, susulutin ko na habang mabait pa siya. Hindi ko na siya mauuto niyan bukas, bumabawi lang siya, alam ko 'yon. Tinulungan muna namin si Along Soling na iligpit ang mga damit at sinabing bukas na lang tapusin 'yon.

Tinanong niya nga kung bakit daw mugto ang mga mata ko. Sabi ko sa kaniya napuwing lang ako. Puwing na singlaki ng brilliante kaya naman ganito kamaga ang mga mata ko. Hindi pa raw siya matutulog kaya naman sinabi naming daluhan niya kami.

Nang makarating kami sa sala. Nasa isang dulo si Kio tapos nasa isang dulo naman ako, si Aling Soling ang nasa kabilang sofa. Palagi kong tinitignan si Kio dahil seryoso siya sa panonood akala mo naman patayan ang pinapanood niya. Baka sinasaulo niya ang mga pangalan nina Stitch at Lilo pati na rin 'yung salita nila.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya tsaka humagikgik. Parang hindi niya man lang kasi nahahalata na pinagtitripan ko siya. Malakas kasi ang volume no'n kaya hindi niya ako naririnig.

Palagi kong sinisipat ang mukha niya, baka maging kamukha na siya ni Lilo niyan dahil sa kaseryosohan niya. Stitch 'da sabog ang ilong, sayang ang ilong ni Kio kung magiging kailong niya si Stitch.

Mga isang ruler na lang ang layo namin ng mapansin niya ako. Kumunot ang noo niya bago niya ako pinagtaasan ng kilay. Hindi ko rin alam ang ginagawa ko pero komportable akong kasama ang kapatid ko... na ayos na kami.

Mabilisan akong tumabi sa kaniya tsaka humiga. Inilagay ko ang ulo ko sa mga binti niya at humarap sa tv. Ginagalaw-galaw niya pa ang paa niya na parang gusto akong paalisin pero hindi ko siya pinansin kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang paglaruan ang buhok ko.

"Yes..." Sagot niya sa tanong ko.

"Pa'no mo siya nakilala?" Tanong ko pa.

Tumikhim muna siya bago sumagot. "Friends of f-friends." Nauutal na sagot niya pa.

"Friends lang ba talaga?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Yes. Nothing more, nothing less. Kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano r'yan."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now