Chapter 169

9 2 0
                                        

Valere

HEIRA'S POV

"Truth or dare?"

Kinilabutan ako ng matindi ng marinig ko ang sinabi nila. Parang napapalibutan ako ng itim na usok dahil sa ngisi nila. Nasa sa 'kin ang atensyon nilang lahat. Pawang mga nakangiti ng matamis.

Parang iba ang pakiramdam ko sa kanila. Parang may pakiramdam ako na iba ang itatanong o ipapagawa nila sa 'kin. Alam ko na ang takbo ng mga braincells ng mga hudlong na 'to e. Mga halang ang atay at kidney.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila para mawala ang tensyon na namumuo sa paligid. Nakakatakot naman sumagot sa kanila. Baka mapahamak pa 'ko kapag sumagot ako sa kanila. Malas talaga ang boteng 'yon, lahat na lang malas talaga.

Pati sina Kayden nakatingin na sa 'kin at naghihintay ng sagot ko. Bakit ba kapag sa 'kin... iba na ang mga pag-iisip ng mga 'to. Kapag naman kina Eiya ang gaganda at ang aayos ng mga tanong nila. Hindi ba sila naaawa sa 'kin. Gusto ko na lang tumakbo papalayo.

Tumikhim muna ako at umayos ng upo. Laro lang 'to, walang mangyayaring hindi maganda. Malay mo paakyatin ka rin nila sa puno, Heira. Masyado ka ng nag-iisip ng marami kaya ka ganiyan.

"Naghihintay kami ng sagot mo, Heira." Naiinip na sabi ni Elijah.

"Make it fast. Gumagabi na." Sabi naman ni Asher.

"Gabi naman talaga." Pilosopong sagot ko sa kaniya.

"Sumagot ka na, Isha. Para tanong lang naman 'yon e." Pangungumbinsi naman nitong kaibigan ko.

"Sige, dare na lang." Sagot ko, mas madali 'yon kaysa sumagot ng mga mahihirap na tanong.

"Sinong magtatanong... mag-uutos pala." Sabi ni Vance.

"Wala akong balak..." Sagot ni Aiden.

"Mas lalong wala akong alam na ipagawa." Ani Timber.

Tumingin kami kay Mavi, tahimik siyang kumakain sa isang gilid.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa 'kin ng ganiyan?" Inosenteng tanong niya. "Kung iniisip niyo na may naiisip akong pwedeng i-dare sa kaniya, nagkakamali ang isip niyo." Sagot niya.

"Ikaw, Elijah? May naiisip ka ba?" Tanong ni Alzhane. "I have no idea e."

"Nothing. I don't have a time to think about it. Sa iba na lang." Sagot nito.

"Ako sana pero nakalimutan ko ang ipapagawa ko." Si Jharylle ang nagsalita.

"Waaaa! Same!" Tili ni Trina tsaka nakipag-appear sa lalaki.

"Mahal... anong magandang ipagawa sa kaniya? Dare raw e."

"I can't think of anything that can be use a dare to her. Can she swim at the sea for the whole night?"

Gago 'to ah.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa mga sagot nila. Kanina minamadali nila akong sumagot kanina tapos ngayon wala silang maisip na ipagawa. Naalog na ba ang mga utak nila? Pinagpasa-pasahan pa nila ang dapat gawin.

"Bilisan niyo na kasi... ang tagal niyo naman ih!" Reklamo ko sa kanila.

"Nagmamadali ka ba? Kaya mo bang rumampa ng nakabra at panty lang dito sa harap namin?" Sabi ni Eiya.

Sumimangot lang ako sa kaniya. Syempre hindi ko naman magagawa ang bagay na 'yon. 'Yong ngang maliit lang ang suot kong damit ayaw ko na, bra at panty pa kaya?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now