Chapter 194

8 1 0
                                        

Kapatid

HEIRA'S POV

"Ang dami naman niyan, hindi ka ba kumain ng tatlong araw?"

Nasa canteen kami ngayon dahil lunch break na nga, kanina pa 'ko nahihilo dahil sa gutom ako tapos ubos pa ang energy ko dahil binuhos ko lahat kanina sa pagpepedal at pagtakbo. Kulang lang 'yong dalawang  pancake na sinlaki lang ng sandok.

Nauna pa nga ako sa mga kasama ko na lumabas ng room, pakiramdam ko kasi magko-collapse na 'ko kapag hindi pa ako kumain. Ayaw ko ng maulit ang nangyari dati 'no.

Buong klase akong hindi kinakausap ni Kio, hindi ko alam kung gano'n lang ba talaga siya o hanggang ngayon galit pa rin siya sa 'kin dahil sa nangyari ro'n sa rooftop.

Hayop naman kasi 'yung mga nandukot sa 'kin, kapag nakita ko ulit sila talagang gagantihan ko sila, kahit isang palingot lang, pwede na. May alam pa kasi silang pain-pain.

Anak ng tokwa... sa lahat ng pwedeng ipain ako pa talaga. Hindi naman ako kasama sa mga gulo nila, hindi ko rin naman kamag-anak ang mga hudlong. Kaklase ko lang sila pero ako ang sinundan nila. Iba talaga ang takbo n mga utak ng mga hinayupak na 'yon.

400 km/h.

Umorder na lang ako kung ano ang nasa menu, wala ng basa-basa ang mahalaga makakain na. Hinintay ko na lang sila sa may isang lamesa pero sa labas talaga kami kakain.

Ang ganda sana ng canteen na 'to pero  samut-sari ang mga amoy na papasok sa ilong mo. May amoy isda, may amoy usok, may amoy araw, may amoy na hindi ko alam kung pa'no ko ba idedescribe.

Nakakaawa naman ang ilong namin kung dito kami kakain, may dagdag na flavor ang pagkain. Sumusubo na 'ko habang hinihintay ko sila, hindi na ata ako makakarating sa tambayan.

Hindi na lang ako humihinga, mahirap pero kakayanin. Nang lumapit sa 'min sina Eiya nakakalahati ko na ang pagkain ko, ang tagal naman nila, kasunod ko lang naman sila sa pila.

"Ay, hindi na makapaghintay, 'te?" Tanong ni Trina saka tumawa pa. Nakatingin siya sa pagkain kong malapit ng maubos.

Ang konti naman kasi nito. Ang laki ng binayad ko pero kakarampot lang ang pagkain na binigay nila sa 'kin. Parang hindi kakilala ang mga nagtitinda, tatlong subuan lang ata ang kanin na 'to.

"Gutom na 'ko e. Tara na nga." Sabi ko sa kanila.

Ibinaba ko saglit ang pagkain ko sa tray na nakapatong sa lamesa dahil ang ring ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tumatawag? Dapat pala iniwan ko na lang bag ko 'to e.

09********* is calling...

Kumunot ang noo ko, sino nananaman ba 'to? Pa'no naman niya nakuha ang number ko e wala naman akong pinagsabihan ng number ko kahit na kanino malibang kina Eiya, sa mga hudlong pati na sa pamilya ko.

Kung hindi ko naman sila kilala, hindi ko naman binibigay ang numero ko. Sinagot ko na lang ang tawag, baka naman sina mommy 'to, malay ko ba kung wala siyang load kaya nakitawag siya.

Sumenyas ako kina Eiya na 'teka lang' dahil saglit lang naman 'to. Tumango naman sila at umupo muna saglit sa pwestong pinag-upuan ko kanina. Nag-usap-usap lang naman sila.

Hindi na 'ko lumayo, wala naman akong mapupuntahan. Sinagot ko ang tawag sa harapan nila, isa pa, hindi naman naka-loud-speaker kaya hindi naman siguro nila malalaman kung ano man ang sasabihin nitong kausap ko.

"Hello..." Sabi ko maya-maya dahil walang nagsasalita sa kabilang linya, tangging kahol lang naman ng aso ang naririnig ko.

Imposible naman siguro na aso ang tumawag sa 'kin. Hindi naman marunong pumindot ang mga ako e. Pero pwede rin, malay mo touch screen ang cellphone niya tapos napindot niya lang ang number ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now