Chapter 204

5 1 0
                                        

Convenience store

HEIRA'S POV

"Kamusta naman ang mga parents mo? Are they doing well?"

Kanina pa sila nag-uusap-usap dito sa hapag kaninan habang kumakain kami. Hanggang pakinig na lang kami ni Aling Soling dahil hindi kami relate sa mga pinag-uusapan nila. Buti pa si Kio maraming alam dahil kasama siya ni daddy sa New York.

Halos puro tungkol 'yon sa trabaho ni daddy. Tapos nalaman ko rin na tatay pala nitong bwisita namin 'yung tinutukoy ni mommy na si Jackson. Hindi naman halata na mag-ama sila e 'no, konti na lang pagkamalan silang kambal dahil sa mga pangalan nila.

Kakapakinig ko sa usapan nila, nalaman ko na minsan na ring pumasok si Kio sa kumpanya ni daddy sa New York, kaya pala may naipapadala siya kapag nanghihingi ako sa kaniya. Alam kong may trabaho siya pero hindi ko alam na kay daddy siya nagsisilbi, hindi ko na sana kinuha 'yung nga binibigay niya.

Syempre charot lang.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa pamilya ni Jaxon, ako lang talaga ang walang alam pagdating do'n dahil si Aling Soling mukhang may ideya na siya tungkol doon. Ibig sabihin talagang kilala na 'tong si Jaxon ng pamilya namin, ako lang ang hindi nakakakilala sa kaniya.

Kaya pala kung makapagsalita si Kio akala mo close sila 'yon pala may alam na sila sa isa't isa. Nakakapagtaka lang dahil ngayon pa lang nagpunta rito 'to. Ngayong taon pa lang naman na 'to. Baka ngayon lang ulit siya nabuhay, malay ko ba kung nagpahinga muna siya saglit.

Echos.

Kapag talaga napapasama sa pagkain ang kwentuhan matagal bago mabusog, matagal bago matapos kumain. Ang daming iniluto ni mommy pero ang konti lang ng mga kinakain nila. Parang nakadiet mode silang lahat, kinahihiya ba nila ang mga bilbil nila? Siguro nga, kasi ako rin.

Kailan kaya liliit ang tyan ko? Gusto kong lumiit ang tyan ko pero hindi ko magawang kumain ng kaunti. Pakiramdam ko humihiwalay ang kaluluwa ko kapag nagugutom ako. Hindi ko bet na magdiet kagaya nila.
Kapag gusto kong kumain, kakain ako, walang makakapigil sa mga dragona ko na kumain.

Kumuha ulit ako ng kanin ko sa plato ko. Parang hindi ako mabusog-busog, dumederetso lang sa tyan ko ang mga kinakain ko pero hindi ako nabubusog man lang. Hindi naman siguro sasakit ang tyan ko kapag napasobra ako ng kain 'no?

Parang may fiesta ngayon sa bahay dahil sa dami ng mga iniluto ni mommy. Talaga bang pinaghandaan niya ang pagdating nitong asungot na 'to? Nandito lang pala siya para makikain e. Hindi ko naman siya pwedeng itaboy, nandito na siya e.

Aalis din naman siya maya-maya, hinihintay ko lang mapagod ang bibig niya kakadaldal para umalis na lang siya. Hindi naman ako makakaalis sa lamesa hanggat nandito siya, hanggat hindi kami natatapos kumain.

"Yes, tita. Ayos lang naman ang family namin although... may hinahanap pa rin kami, may hinihintay pa rin kami." Sagot ni Jaxon, kita ko naman na nagpalabas siya ng tipid na ngiti pagkatapos no'n.

"Pakiabot naman nung fruit salad." Sabi ko kay Kio, binulong ko na lang 'yon.

Ayaw ko namang marinig ni mommy, baka magalit lang siya sa 'kin, ayaw pa naman no'n ng istorbo kapag may kausap siya siguradong sermon ang aabutin mo kapag ginawa mo 'yon. Ngumiti ako kay Kio para gawin niya ang gusto ko.

Medyo malayo kasi 'yon, nasa harapan lang ni Jaxon pero hindi naman ako makasabat sa kanila para lang sa fruit salad. Talagang pinag-iisapan pa niya ang mga isinasagot niya sa mga magulang ko. Pwede siyang interview-hin dahil ayos ang mga sagot niya. Hindi kagaya niyang sinto-sinto.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن