Chapter 168

9 2 0
                                        

Truth or dare

HEIRA'S POV

"Galing naman, magkasundo talaga ang dalawang hindi pinagpala sa pag-ibig!" Sigaw ni Aiden.

Binato tuloy siya nung dalawa. Mang-aasar pa e. Akala mo siya pinagpala sa pag-ibig, iniwan niya nga 'yong babaeng maganda e. Ay, sorry pasmado lang. Buti na lang hindi kami sinundan nung babaeng 'yun, palaging nakabuntot kay Aiden 'yon e.

Tumayo naman sina Trina at may pinatugtog sa cellphone niya. Tono pa lang, wala pa 'yung lyrics pero alam ko ng magcoconcert nananaman ang babaeng 'to. Hindi nananaman niya papatahimikin ang gabi nito. May pasayaw-sayaw pa siya oh.

Tumayo na rin 'yung iba, ako, tinago ko lang ang mukha ko dahil baka hilahin niya 'ko patayo tapos isali niya pa 'ko sa concert niya. Hindi naman ako marunong kumanta at mas lalong hindi ako marunong sumayaw sa apoy. Hindi naman ako amazona.

Si Trina, Vance, Xavier at Shikainah ang mga nasa harapan namin. Kumuha pa sila ng mic, 'yung microphone na wireless. Sanga ng kaho kasi ang mic nila kaya naman wireless 'yon. Mukhang silang apat ang may balak na kumanta nito. Magkakapartner pa, sinadya ba nila 'to?

Natampal ko na lang ang noo ko, kung sila ang magsasama-sama, mabubulabog ang mga kasama namin dito sa resort. Si Shikainah lang ang hindi malakas ang boses sa kanila, kawawa nito ang eardrums niya, nakapalibot pa naman siya sa mga speaker. Minus one lang pala ang pinatugtog ni Trina, sila ang magkakanta sa lyrics no'n.

♫♪ My friends say I'm a fool to think... That you're the one for me
I guess I'm just a sucker for love... ♫♪

Si Trina ang nagpasimula no'n, dahan-dahan pa ang mga paghakbang niya habang nakaturo sa 'min. Parang model siya na kumakanta dahil may pitik pa ang mga bewang niya. Nakangiwi naman si Vance sa kaniya.

♫♪ Cause honestly the truth is that
You know I'm never leaving
Cause you're my angel sent from above... ♫♪

Sumunod naman si Shikainah sa pagkakanta, ginaya niya ang ginawa ni Trina, kunwari may headset pa siya sa tenga kaya tinatakpan niya 'yon gamit ang daliri niya. Bagay niya naman ang gumalaw ng gano'n pero hindi lang kami sanay na ginagawa niya ngayon 'to.

Ngayon pa lang naman namin siya nakasama sa pag-alis e. Kapag nagpupunta kami ng mall para mamili ng mga decorations, hindi siya sumama sa 'min. Kapag nagpupunta kami ng park, hindi rin siya sumasama sa 'min. 'Yon 'yong mga panahon na galit pa ata siya sa 'min at kay Xavier.

♫♪ Baby you can do no wrong
My money is yours
Give you little more because I love you, love you
With me, girl, is where you belong
Just stay right here
I promise my dear I'll put nothing above you. above you... ♫♪

'Yung dalawang hudlong ang sumunod. Humarap pa sila sa mga kapareha nilang namumula ngayon. Hinahawakan nila ang isang kamay nung mga babaita at sinubukang halikan 'yon pero kaagad na bumitiw 'yung dalawa. Sabay pa sila talaga. Parang pinapagplanuhan ah.

"Laughtrip ang mga bwisit. Kawawa naman 'yung dalawang kumag, naisahan." Sabi ni Eiya at tumawa ng malakas. Nasa gilid niya si Elijah, nakatayo at sumimsim ng alak. Talagang ayaw lubayan 'tong kaibigan ko ah.

♫♪Love me, Love me
Say that you love me
Fool me, fool me
Oh how you do me
Kiss me, kiss me
Say that you miss me
Tell me what I wanna hear
Tell me you (love me)♫♪

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now