Mattheo Lonzano Hughes
HEIRA'S POV
"Punyeta naman, sinong nagpatay ng electric fan?!"
Nagising ako dahil sa tumatamang sikat ng araw sa mukha ko. Ang sakit kasi sa mukha nung init. Isama mo pa 'yung sobrang init sa loob ng kwarto ko ngayon. Babad ang likod ko ng pawis dahil namatay ang electric fan.
Hindi ko alam kung sino ang nagpatay no'n dahil sa tulog nga ako. Hindi naman nakatanggal ang saksak no'n. Baka may pumasok at trip lang talagang patayin ang electric fan ko.
Ang sarap ng tulog ko e. Patapos na 'yung panaginip ko pero bigla akong nagising. Hindi ko tuloy alam kung ano 'yung napanaginipan ko, nakalimutan ko agad. Kaasar.
Umupo muna ako, mula mukha hanggang sa katawan, pati na ang mga kamay at paa ko puno at tagaktak ng pawis, parang pinaliguan nila ako ng isang balde ng maligamgam na tubig. Yayariin ko talaga si Kio kapag nalaman kong siya ang nagpatay nito.
Humikab ako tsaka pumunta sa banyo para maghilamos at magsepilyo ng ngipin. Nagpusod na lang ako ng buhok ko kahit hindi pa ako nakakapagsuklay. Wala namang nakakakita sa 'kin, buti nga nagpusod pa 'ko e.
Habang nagsesepilyo ako ay naisip ko 'yung nangyari kahapon. Wala kaming pasok ngayon, sa lunes na lang daw para raw mero'n kaming sapat sa pahinga.
Baka bukas niyan ay susunduin nila kami para bumili kami ng mga gamit namin para sa room. May sapat na pondo na rin naman kami dahil kami ang nagchampion sa lahat ng contest, isama mo pa 'yung kami ang overall champion, kaya nga ang daming galit sa 'min dahil do'n.
Hindi ata nila matanggap na natalo talaga sila. Hindi na lang namin pinansin ang mga titig ng mga estudyante sa 'min habang naglalakad kami pabalik ng room no'n. Tinawanan na lang namin sila dahil wala pa nga kaming ginagawa, ang dami ng napipikon sa 'min.
Naalala ko rin si Hanna. Kahit hindi siya kumikibo sa mga tanong namin, alam naming may mabigat na problema ang tumatakbo sa isip niya no'n. Hindi siya nagsasabi sa 'min, basta lang siya nakatulala at umiiyak.
Lahat tuloy kami nag-aalala na sa kaniya. Hindi naman siya gano'n, oo palagi siyang tahimik pero sumasama at nakikisali naman siya sa gimik namin pero kahapon hindi. Ni hindi niya man lang kami tinitignan kapag kinakausap niya kami.
Kailangan niya ng makakausap. Pwede naman kami 'yon dahil mapagkakatiwalaan niya kami. Mga kaibigan niya kami kaya naman palaging masasandalan niya kami.
Siguro papahupain muna namin ang emosyon niya. Masyado pa siyang bata, sigurado akong didibdibin niya kung ano man ang nangyari sa kaniya. Baka napagalitan siya o kaya naman ay may nangyari sa loob ng pamilya niya.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko kasi... bakit ko ba pilit pinoproblema ang problema ng iba? Mero'n din naman ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang kalagayan ng iba.
Pakiramdam ko ay naguguilty na ako kapag may dapat akong gawin pero hindi ko nagawa dahil nagdadalawang isip pa ako. Ilang taong gulang na ba ako? Bakit kailangan kong isipin pa ang mga ito?
Wala pa namang bukas para sa varsity team dahil hindi pa intramurals ngayon kaya naman hindi ko pa masasabing matutulungan ko na si Maurence.
Nahihiya na nga ako sa kaniya dahil ang tagal ko ng sinabing tutulungan ko siya pero hindi ko pa rin nagagawa. Pwede bang kalimutan na lang 'yon? Charot.
Si Aiden naman hindi ko rin magawang tulungan siya kay Lizainne dahil sa wala akong sapat na oras at isa pa, hindi ko na sila nakikitang nag-uusap pa, 'yon ang pinakamahirap para sa 'min ni Asher e.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
