Chapter 186

8 2 0
                                        

Back to the class

HEIRA'S POV

Sumulyap ako saglit kay mommy bago bumaling sa mga naging kaklase namin dati. Ngumiti ako sa kanila pero 'yung totoo, naiilang ako dahil ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita.

Simula nung umalis kami sa First Section ay hindi na kami nagkita-kita ulit. Hindi naman kami naging abala sa pag-aaral sadyang wala lang kaming oras dahil sa laki ng university namin.

Hindi ko rin naman sila nakikita sa canteen, baka nagkakasalisi kaming lahat. Hindi ko alam na magiging magkakaibigan ang mga minsan naming nakasama ni Eiya sa isang group activity.

"Mommy, sila po 'yung mga naging kaklase namin sa First Section ni Zycheia." Sabi ko sa kaniya. Zycheia ang sinasabi ko dahil minsan hindi niya kilala si Eiya. Zychi nga ang tawag niya sa kaniya.

"...Siya po si Oliver." Pakilala ko sa lalaki. Ngumiti naman siya tsaka inilahad ang kamay.

"Hi Auntie. Kayo po ang nanay ni Heira?" Tanong ni Oliver kay mommy. Auntie. Parang naririnig ko si Kenji ah.

Tumango si mommy. "Ako nga." Sagot ni mommy at nakipagkamayan. "Abay, napakagwapo mong binata, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni mommy.

Natawa bigla ang iba. Natampal ko naman ang noo ko, hindi pa pala niya nahahalata. Base pa lang sa tono ng pananalita ni Oliver alam mo na na... ano siya. Ngumiwi naman 'yung isa na para bang hindi tanggap ang sinabi ni mommy.

"Auntie naman. I am a gurlaloo, lalaki lang ang katawan pero babae ang puso. Wala po akong girlfriend, naghahanap pa lang po ako ng boylet."

"Ay, sorry. Hindi mo naman kaagad sinabi sa 'kin." Natatawang sabi ni mommy sa kaniya. "Hayaan mo, makakahanap ka rin ng boylet, malay mo girllet pa nga." Pang-aasar pa ni mommy.

Sumama ang mukha ni Oliver at pabirong inirapan si mommy.

"Over my dead, cold, gorgeous, fabulous, and precious body!" Sagot nung isa.

"Gorgeous ba 'kamo? Poisonous sabihin mo." Pambabara naman ni Chloe sa kaniya. Inismiran lang siya nung isa. "Hello po, tita. I'm Chloe Ching, you can call me Chloe."

"Hello, Chloe. Napakaganda mo namang bata."

"Sa'n banda, Auntie?" Pambabara naman ni Oliver.

Aba, gumaganti. 'Yung tatlo, nakatingin lang sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Eugine.

Medyo may katangkaran, mas matangkad siya sa 'kin ng kaunting-kaunting-kaunti lang. Nakasimpleng damit lang siya at mukhang mahiyain dahil panay lang ang pagngiti niya kapag may sinasabi si Eugine sa kaniya.

"Ikaw naman. Maganda ka rin pero mas maganda talaga siya." Pagbibiro pa ulit ni mommy.

"Auntie, namumuro ka na sa 'kin ah!"

"Hayaan mo, mamaya bingo na." Sagot naman niya tsaka niya binalingan si Chloe. Sa ilang buwan namin na hindi pagkikita, parang nanibago ako sa itsura niya.

Pumayat siya tapos humaba pa ang buhok niya. Mas pumuti rin siya kaya naman lumabas ang ganda niya. Bakit ang daming nagbago sa kaniya at puro magaganda, samantalang ako, parang tuyot na kamoteng naglalakad sa daan.

Ang unfair ng mundo.

"May lahi ka ba, hija?" Tanong ni mommy.

"Opo, half chinese po ako." Tugon niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now