Chapter 182

6 2 0
                                        

Italian

HEIRA'S POV

"Pakiabot nga muna nung pamaypay, Yakie."

Nasa labas kami ngayon. Magtatanghalian na kaya naman naghahanda kami ng kakainin namin. Umalis 'yong iba para kumuha nung mga sinabi nilang seafoods kagabi kaya naman iilan lang kami ngayon.

Pabalik na rin siguro sila niyan dahil kanina pa sila. Imposible namang hindi sila makakaramdam ng gutom sa mga ganitong oras. Buti na lang naiwan 'yung mga magaling at marunong magluto.

Wala pa nga kaming balak na bumangon. Lahat kami nakadikit sa mga kaniya-kaniya naming mga higaan, hindi na nga kami nakapag-almusal dahil halos kakagising lang din namin ngayon.

Kung hindi lang siguro kami hinila nung mga hudlong patayo at kung hindi lang nila kami winisikan ng malamig na tubig, malamang, nakahilata at nananaginip pa rin kami.

Pa'no ba naman kasi, dapat maaga kaming magsisitulog kagabi pero nang-aya bigla si Kenji na mag-movie-marathon daw muna kami, kahit isang movie lang.

Pumayag naman kami ang kaso, tatlong oras pala ang haba nung palabas na pinindot nila. Hindi namin napansin 'yon, tutok na tutok kami sa pinapanood namin e.

Ang ending, mag-aala una na ng madaling araw nang makatulog kami, halos nakapikit na lang kami habang paakyat sa hagdan. 'Yung mga hudlong nga, sa may sala na nakatulog.

Kaya ngayon sinisisi namin ang batang hapon kung bakit kami mero'ng mga eyebags, kung hindi siya nag-aya edi sana wala 'to. Kami namang mga shunga, pumayag, muntik nang humagulgol e.

Gusto na nga namin siyang batukan ng malakasan pero hindi namin magawa. Kaklase... kaibigan pa rin namin siya, baka matanggal na lang bigla ang ulo siya kapag kami ang nambatok sa kaniya.

Iniiwasan ko nga siyang batukan o kaya naman hampasin ngayon. Hanggat kaya kong magtimpi ginagawa ko kahit na minsan este palagi akong napupuno dahil sa kakulitan niya.

Hanggang ngayon pa rin kasi nag-aalala ako sa mga nakikita kong mga paa niya sa mukha, minsan sa bandang mata at madalas sa tenga niya, nagkakasugat pa nga siya e.

Masama talaga ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa kaniya. Palagi ko siyang nakikitang tumatawa sa loob ng room namin... sa loob ng B.A.U. pero kapag nakikita ko siyang naglalakad pauwi, para siyang zombie kung maglakad.

Walang emosyon ang mukha niya, bagsak ang balikat, deretso lang ang tingin niya sa dinaraanan niya. Kung minsan, may nakasalpak na earphones sa tenga niya kaya hindi niya ako naririnig kapag tinatawag ko siya.

Hindi niya man sabihin sa 'kin alam kong may problema siyang kinakaharap ngayon. Sinusubukan ko naman siyang tanungin pero sa tuwing bubwelo ako, nakukunsyensiya ako bigla.

Kapag nakikita kong masaya siya sa mga kalokohan niya, nagdadalawang isip pa ako kung tatanungin ko ba siya tungkol doon, baka kasi magalit o kaya naman umiyak na lang siya bigla.

Hindi naman sa nanghihimasok ako sa problema niya pero pakiramdam ko may mabigat na dahil kaya hindi siya nagsasabi sa 'kin e. Kilala ko siya pero mas kilala niya ang sarili niya.

Palakwentong tao si Kenji, ultimo 'yong nakagat siya ng langgam sasabihin niya sa 'kin. Simula nung maging magkaklase... magkaibigan, lahat ng mga nangyayari sa kaniya ikinukwento niya.

Lahat ng mga achievements niya sa buhay na nakuha at mga nakukuha ay alam ko. Pati na rin 'yung mga pakalpakan niya kaya nga may pangganti ako sa kaniya kapag nagkakapikunan na kaming dalawa.

Ako kasama ang mga babaita at sina Maurence, Chadley, Aiden, Kenji, at si Jharylle ang naiwan dito sa resort. Sumama na ang iba kina Adriel na pumalaot.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now