Bitch
HEIRA'S POV
"Ano na, 'dre?! Punta na ba tayo ng resort?" Puno ng pag-asang sabi ni Xavier.
Umupo na lang kami sa sahig, tutal mukhang pagod naman na sila kaya naman bumagsak na lang sila. Kanina pa nila pinipilit si Kayden na magbigay ng aginaldo pero ang sagot ni Kayden..
"Do i look like santa claus?"
Oh, 'diba, kung may inaanak siguro siya, matatakot sila sa mukha niya. Mukha niyang gwapo pero nangangain ng tao. 'Yung makaharap mo pa lang siya para sabihing 'hi, ninong, mamasko po' ay aatras ka na dahil baka pitikin ka na niya ng wala sa oras.
Pinakita na nga namin 'yung results pero ayaw niyang maniwala sa 'min. Baka raw pineke lang namin ang mga 'yon kaya hindi pa siya pumapayag na pumunta kami ng resort. Wala atang bilib si Kulapo sa kaya naming gawin.
Bakit naman namin pepekein ang resulta, e nakapaskil 'yon. Hindi lang siguro niya pinagtuunan ng pansin para tignan pa 'yon. Sa bagay, maraming taong nagkukumpulan do'n, ayaw pa naman niya ang masikip, bigla na lang maninipa.
Parang kangaroo lang.
Nakapabilog kami kaya naman hindi kami nahihirapan na tignan 'yung iba. Katabi ko si Kenji tsaka itong si Kulapo. Dapat si Chadley ang katabi ko kaso nga lang pinaalis niya. Ay hindi pala, tinaboy niya. Sabi nga niya.. 'shoo, Rios! Shoo, back off, that's my place.' O 'diba parang hari lang.
Wala nang nagawa si Chadley nung hilahin siya ni Kayden patayo, tumabi na lang siya kay Kenji, ewan ko ba, bakit ba gusto nila akong katabi? Kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko pang katabi si Asher tsaka si Alzhane, parehong tahimik.
"'Dre! We have a deal. Tuparin mo naman, hindi na nga ako natulog para lang makapagreview para sa exams e."
"I don't care. May oras ka naman para matulog, bakit hindi mo ginawa?"
Psh. Napakasuplado talaga ng kulapo na 'to. Totoo naman 'yon e. Wala pala siyang isang salita e. Pabago-bago ng isip. Kulang ba ang utak mo ng turnilyo? Lagyan natin baka sakaling umayos kahit konti. Oo nga naman, hindi marunong tumupad sa usapan...
-FLASHBACK-
"Hep! Hep! Hep!" Pigil ni Xavier sa kanila, hinawi niya pa ang hangin gamit ang dalawang kamay niya. "Tahimik muna. Hindi naman natin hahayaang mangyari 'yon! Kaya nga gagawa tayo ng deal!"
"Eh ano naman 'yon?" Tanong ko.
"Kapag pumasa tayo..." Nag-isip pa siya ng susunod niyang sasabihin. "Ililibre tayo ni Kayden!" Anunsiyo niya bigla.
"Yown! Payag siyang ilibre tayo sa isang resort sa sem break!"
Anak ng... dinagdagan pa talaga.
"What?!" Ayun umangal din ang kulapo.
"'Diba 'dre? Payag ka."
"Tsk. We should all be perfect the score otherwise I won't treat you." Seryosong sabi niya. Akmang aangal sila.. kami pala ng may idugtong ito. "That's my final decision. No one can change my mind. Take it or leave it."
-END OF FLASHBACK-
"
That's my final decision. No one can change my mind. Take it or leave it."
"That's my final decision. No one can change my mind. Take it or leave it."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
