Chapter 253

9 0 0
                                        

Never

HEIRA'S POV

"Ipagluluto kita, ano nga ulit ang paborito mong ulam, Anak?"

Huminga ako ng malalim at inalis ang aking tingin mula sa bintana ng sasakyan. Ngayong araw na ako lumabas ng sasakyan dahil hindi naman na raw malala ang aking mga sugat, pwede ko na raw magamot mag-isa ang mga ito dahil medyo tuyo na sila. Isa pa ay wala na rin akong iniindang matinding sakit sa katawan kaya pumayag na rin naman akong madischarge sa apat na puting sulok na iyon. Ayaw kong makulong ng matagal sa lugar na 'yon kung saan puro gamot ang naaamoy ng ilong ko.

Ayos na ang dalawang linggo kong pamamalagi roon, siguro naman ay malaki na ang nabayad nina Mommy sa hospital na 'yon, hindi ko naman kailangang manatili ng matagal doon dahil kaya ko naman ang sarili ko. Puro benda nga lang ang balat ko ngayong para hindi mainfection ang mga sugat ko dahil sa mga bacteria sa hangin.

Hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo ko sa mga magulang ko. As long as I can... I ignore them to save myself from pain. Kapag kasi nakakausap ko sila ay mas lalo lang bumabaon sa isipan ko ang mga narinig ko noon. Masakit at sariwa pa rin ang lahat ng 'yon sa puso ko. Tita Hazel was always in my side especially when my Mommy was gone to buy some stuff. Hindi niya ako iniwan. Hinayaan ko lang siya, hinihintay ko ngang sabihin niya sa akin ang totoo pero hindi nangyari 'yon.

Masyado silang maramot sa katotohanan, akala ba nila ay hindi ko rin malalaman ang totoo? Ika nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag. Mas gusto ko pang kausap si Kenji kaysa sa kanila kasi siya lang ang alam kong totoo sa akin. I know that he has his secrets pero hindi naman iyon tungkol sa akin, it's a personal secret.

Kilala ko naman si Kenji, hindi niya magagawang magsinungaling sa akin sa mga seryosong bagay. I trust him. I even trust him more than myself. Kahit kasi ako ay walang tiwala sa sarili ko. Ang komprontahin nga sila ay hindi ko na magawa, saan ako kukuha ng mga lakas ng loob para sabihin sa kanila ang lahat? Dapat nga ako ay 'yong kausapin nila tungkol doon pero hindi! Ako pa 'tong naghihintay sa wala.

"Wala po akong gana. Hindi na po ako kakain." Tipid na sagot ko kay Daddy kahit na nagugutom naman ako. Sana lang ay nasa kwarto ko pa ang mga chips at biscuits para may makain ako mamaya. Gabi na rin, kasama ko sa loob ng kotse ang kinikilala kong pamilya, sina Jaxon naman ay nasa kabilang kotse.

"This past few days... you're being cold to us. Is there something wrong?" Tanong sa akin ni Mommy na agad ko namang inilingan. Bakit hindi niyo po itanong sa sarili niyo 'yan, Mommy? "I know you, Heira. Hindi ka naman ganiyan sa amin." She added. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa kaniya.

"Bakit po? Ganito pa rin ako. Hindi niyo kailangang manibago sa akin." Sagot ko sa kaniya. Nag-aalala siyang tumitigtig sa akin. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest ng sasakyan, I am exhausted, I am so tired.

Naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa aking buhok, pinikit ko ang aking mga mata. She's gently caressing my hair while kissing my temple, she carefully put my head on her shoulder. I let her do what she want to do. She is now caressing me like she cares for me. Of course! I know that she really cares about me, only about my physical appearance but my emotional and mental well-being? She doesn't care about them all.

Kasi kung nag-aalala rin siya sa nararamdaman ko ay sigurado akong sasabihin niya na sa akin ang totoo maaaga pa lang, hindi niya kailangang itago sa akin ang lahat. Paano niya ako napaparusahan ng ganito? Paano niya ako nasasaktan ng ganito? Bakit... Bakit? Kasalanan ko bang maging ampon lang ako?

Ni wala nga akong ideya noon sa totoong katauhan ko. Nabubuhay na pala ako sa kasinungalingan nila. They put me in their own hands. Araw-araw akong gumigising na akala ko ay totoo ang lahat ng mga nasa paligid ko. Hindi pala. Ang sakit-sakit nito. Ang makita sila ngayong hindi pa ako ayos ay masakit na para sa akin. Paano kaya kapag sila na mismo ang nagsabi sa akin noon? Kayanin ko bang marinig lahat ng mga sasabihin nila tungkol sa buhay ko?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now